Director Maryo J. de los Reyes on former talent Jiro Manio: "Siguro showbiz for him may not be the right thing."

Director Maryo J. de los Reyes on Ai-Ai delas Alas's efforts to help Jiro Manio: “I hope matutunan ni Ai-Ai how to handle it well because it’s really not that easy. I have my experiences too, and it’s not that easy. Mayroon na akong talent na ganyan tapos namatay. Mayroon ngayon nasa ospital pa rin na tinutulungan ko. Ibig kong sabihin, nakakapagod siya, nakaka-drain, at saka nakaka-stress. Ayoko namang mamamatay sa stress!”


Lumuwag ang loob ng award-winning director at talent manager na si Maryo J. de los Reyes nang malamang may mga taong tumutulong sa dati niyang alaga na si Jiro Manio para maisaayos ang buhay nito, matapos ang balitang nagpagala-gala ito sa airport.

Pahayag ni Direk Maryo, “Kay Jiro, gusto ko siyang maayos nang husto.

“Kaya lang, para sa akin, hindi ko kayang mag-isa.

“There has to be a concerted efforts from other friends who are there already, like nandiyan sina Ai-Ai [delas Alas], nandiyan sila Marvin [Agustin].

“Siguro dapat mag-meeting together with the family.

“Kasi sinubukan ko na siyang ipasok noon sa rehab, di ba?

“Kami nina Yul [Servo], Isko [Moreno] ang sumuporta ng isang taon niya sa rehab.

“Tapos ang nabalitaan ko, noong natapos ang kontrata namin sa kanya sa Production 56 [talent company ni Direk Maryo], sumama siya sa kanyang family.

“Tapos nabalitaan ko, pumasok ulit siya sa rehab supported by the girlfriend.

“Tapos ngayon, eto na yung nangyari ngayon.”

Ayon kay Direk Maryo, hindi si Jiro ang unang talent niya na nakaranas ng ganito. Kaya naiintindihan niya ang nangyayari sa aktor.

“Based on my experience sa dati kong mga talents, tulad ni Daniel Figueroa, hindi ba, experience ko iyan.

“Nagkakaroon sila ng chemical imbalance tapos kailangan mayroon ng maintenance.

“Kunwari may high blood ka, kailangan mayroon ka ng maintenance.

“Pag hindi mo natuloy iyang maintenance mo, magkakaroon ka ng imbalance.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Direk Maryo sa press launch ng 1st TOFARM Film Festival, kung saan tumatayo siyang film festival director at adviser.

Ginanap ang launch nitong Huwebes, Hulyo 16, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Nakasama ni Direk Maryo sa pagpapaliwanag sa mga press ang organizers ng film festival sa pangunguna nina Universal Harvester Inc. executive vice president Dr. Milagros How at TOFARM program director Rommel Cunanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


PROFESSIONAL HELP. Para kay Direk Maryo, ang kailangan ni Jiro ngayon ay professional help, lalo na sa isang psychiatrist.

“We need to seek professional help for him.

“Kasi Jiro, if you know him, is a very introvert person. He does not really talk.

“Yung pagiging Magnifico niya is sa pelikula. Hindi siya yung palabas, paloob siya.

“Very, very secretive iyan, e.”

Nagpaliwanag din si Direk kung bakit hindi siya umeksena noong kainitan ng usapin tungkol kay Jiro nang matagpuan itong pagala-gala sa NAIA Terminal 3.

“Lately kasi hindi ko siya nakikita, that’s why I am not in the position to talk about him.

“Kasi hindi kami nagkikita, hindi ko na alam… nasubaybayan yung buhay niya, so wala akong kinalaman.

“At saka kung anuman ang sasabihin ko, baka hindi tama.

“At saka ayokong makihalubilo sa mga bagay na hindi ko alam.”

Patuloy niya, “At saka sa kanya, I want to respect him.

“Siguro iyong attitude niya na ayaw na niyang mag-showbiz, naramdaman ko iyon nung comeback niya, e.

“Parang pinasok namin siya sa Little Star [GMA drama series noong 2010-2011], after two weeks nag-backout din siya.

“Nakikita ko na sa kanya na mas attentively personal.

“Siguro tulungan natin siya to become a complete and whole person.

“Siguro showbiz for him may not be the right thing.

“I don’t know, ha, pero iyon ang aking pakiramdam.”

May isang insidente pa nga raw na isang kapwa direktor ang nagreklamo sa attitude ni Jiro.

“There was a time mayroon siyang GMA News TV na parang documentary, yung mga tulad sa Wagas, hindi siya cooperative, e.

“May reklamo sa akin yung direktor na parang hindi nila… yung motivation, hindi niya masakyan."

Ayon kay Direk Maryo, “We have to talk to him.

“I don’t want to speak for him, but bilang kaibigan, bilang kasama sa industriya, kailangang kausapin siya nang masinsinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan niya ng tulong.”

So, willing siyang tulungan si Jiro?

Tugon ni Direk Maryo, “Oo naman. Kung yung ibang tao nga natutulungan ko, e, siya pa.”

JIRO NEEDS HIS FAMILY MORE. Bagamat alam ni Direk Maryo na marami ang tumutulong ngayon kay Jiro, sa pananaw niya, ang pamilya ni Jiro ang mas kailangan ng aktor ngayon.

“Alam mo, pamilya dapat ang nakabantay, e.

“Dapat mayroong isang taong dapat nakatutok, e.

“Talagang mayroong hindi lang malasakit, e, kundi matinding pagmamahal mo sa tao.”

Wala namang pangit na masasabi si Direk Maryo tungkol sa ama-amahan ni Jiro na si Andrew Manio.

Saad niya, “Hindi ko masisisi si Andrew, e, kasi ginawa na niya ang lahat, I’m sure.

“At saka nakita ko yung pagmamahal niya [kay Jiro], mula pa bata iyan.


“Magnifico pa, karay-karay namin iyan sa Czech Republic [international film festival], talagang nandoon si Andrew all the time.”

Mula sa pagiging nanay sa pelikulang Ang Tanging Ina, si Ai-Ai nga ang nagunguna ngayon sa pagtulong sa aktor.

Ano ang masasabi ni Direk na si Ai-Ai ang tumatayong parang nanay ngayon kay Jiro.

Saad niya, “I hope matutunan ni Ai-Ai how to handle it well because it’s really not that easy.

“I have my experiences too, and it’s not that easy.

“Mayroon na akong talent na ganyan tapos namatay. Mayroon ngayon nasa ospital pa rin na tinutulungan ko.

“Ibig kong sabihin, nakakapagod siya, nakaka-drain, at saka nakaka-stress.

“Ayoko namang mamamatay sa stress!” natawa na lang sabi ni Direk.

Sang-ayon din ba siya sa sinabi ni Direk Wenn Deramas, direktor ni Jiro sa Ang Tanging Ina, na nasa pagpapalaki pa rin nang tama sa anak ang kinahihinatnan ng isang bata?

Read: Wenn Deramas willing to help Jiro Manio up to a point: "Hindi kami ang mag-aahon... wala kaming magagawa pare-pareho kung ayaw mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Direk Maryo, “Yes, lalo na ngayon na ang mga kabataan natin, masyadong mapusok.

“Kung dati mapusok na, ngayon super wild.

“Di ba, mayroong sex on TV, mayroong nagpapakamatay?

“Minsan nakakatakot na, that’s why we have to address it in our shows, e.

“Parang yung ating technology has outdriven everybody, especially the youth.

“They are so liberal, and so independent, and so free.

“Kumbaga sa ano, wala na… parang kailangan mayroong kinatatakutan at may authority na laging nandiyan.

“Pag iyon nawala, naku, medyo magkakagulo-gulo na.

“Kasi tulad kunwari ikaw ay artista na bata, sasabihin mo, ‘E, lahat naman ng iyan, galing sa akin, pinatatrabahuhan ko e.’

"So, ano pang authority ng parents?

“‘Lahat naman iyan… ako nga ang nagpapakain sa inyo. Iyan nga ang kinikita ko, iyan ang bumubuhay sa pamilya natin, e.’

“So, paano mo ire-react iyon? So, dapat iba-balance iyan.

“So, dapat ang parents have to really exercise outmost authority. Hindi puwede iyan kahit na siya ang kumikita.

“Kasi ganun ang magiging attitude ng bata, e, lalo na ang lakas-lakas ng media at social media.”

Paglabas ba ni Jiro sa institution, mag-e-effort siyang makipagkita at kausapin ito?

Saad ni Direk Maryo, “Siguro group na. I’ve had my time.

“Siguro I can advise, I can counsel, I can share whatever experiences I’ve had, and based on that I’ve had a lot of drug people around me, rehabilitated people.

“Ang tawag nga sa akin, ‘tatay ng mga na-rehab.’

“Gagawa nga dapat ako ng pelikula, e, dapat si Jiro iyan, yung Batang Rehab, hindi lang natuloy. May script na iyan e.”

Papayag ba siya na i-handle ulit si Jiro kung makikiusap ito sa kanya?

Sagot ng veteran director, “E, upon my conditions na at kung gusto niya.

“Kailangan tanungin natin yung may katawan, hindi yung pipilitin natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN