Iñigo Pascual on bashers: “People will always find a way to say something negative about you...”

Kapamilya actor Iñigo Pascual posts about being under the scrutiny of critics and how he deals with it.


Isang status ang ipinost ng Kapamilya young actor na si Iñigo Pascual sa kanyang Instagram account nitong Biyernes, July 17, tungkol sa pagkakaroon ng bashers at mga kritiko.

Sinabi pa ng anak ni Piolo Pascual na maging sa pinakamaliit na bagay ay makakakita at makakakita ng pamumuna ang mga kritiko at ididiin pa ito.

“Always keep in mind that People will always find a way to say something negative about you.. They will criticize you and find every negative thing about you even the smallest things, and point it out,” ang mga salitang mismong nakalagay sa post ng Kapamilya actor.

Dagdag pa niya, depende na lang sa tao kung papaapekto siya sa mga negatibong sinasabi ng iba tao o huwag na lamang itong pansinin.

“So it's up to you if you're going to let it control your emotions or you will learn how to not care and enjoy yourself,” ani Iñigo.

Sa panayam sa kanya noong February, sinabi ng binata na naaapektuhan din sila sa mga sinasabi ng bashers.

“And we snap at times, we're not robots,” pahayag ni Iñigo sa nasabing interview.

“When people say [bad things] to us, like normal people, we get hurt.

“And there's a tendency that we say something back to them. Because we're human, we're not robots and we can't just take it in all the time, you know.”

Gayunpaman, pinapaalalahanan daw siya ng mga taong malapit sa kanya na huwag na itong patulan.

“What everyone tells me, my manager and anyone who wants to help... they say, 'Don't do anything to haters kasi once you give them your attention, they win.”

Read: Iñigo Pascual defends Daddy Piolo: "We snap at times, we’re not robots.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN