Zsa Zsa Padilla on Rhap Salazar's controversial comment about non-singers: “Lahat naman may moment to shine.”

Zsa Zsa Padilla shares her insight on Rhap Salazar's controversial comment that recently rocked the music and showbiz industries: “Uso ngayon 'yan, e. I think it’s just fun, just go with it. Kasi uso ngayon, e. Kung ano ang uso, 'di ba? Okey lang yun, it’s fun, for the spirit of fun.”


Naging malaking issue ang post ni Rhap Salazar sa kanyang Twitter account kamakailan kung saan nagpahayag siya ng kanyang opinyon tungkol sa mga artistang nagli-lip synch sa telebisyon at ibang non-singers na nagkaroon pa ng album.

Read: (UPDATED) Rhap Salazar clarifies he's not referring to James Reid and Nadine Lustre in his tweet about artists who lip-sync on TV

Nakisimpatiya ang ilang singers tulad nina Gary Valenciano, Guji Lorenzana, Aiza Seguerra, at Julie Anne San Jose sa pinupunto ni Rhap pero may ilan din naman ang sumalungat sa pinaglalaban ng mahusay na singer, tulad nina Boy Abunda at Vice Ganda.

Dahil dito, masasabing nahati ang paniniwala ng mga taga-showbiz tungkol sa matapang na pahayag ng singer.

Nang hingan ng reaksyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa Padilla tungkol sa isyu nung nakaraang Linggo sa ASAP XX, para sa Divine Diva ay pana-panahon lang daw talaga sa showbiz at hindi malaking isyu para sa kanya ang pagli-lip synch o maging ang pagkakaroon na rin ng mga album o concert ng mga tinaguriang non-singers.

Ayon kay Zsa Zsa,“Pana-panahon lang talaga.

“Yung panahon namin dumating na at ako nagpapasalamat ako na hanggang ngayon nandito pa rin ako. Uso ngayon 'yan, e. I think it’s just fun, just go with it.”

“Kasi uso ngayon, e. Kung ano ang uso, 'di ba?

“Ganun talaga 'yan at saka ako 'di ako dancer, kung magkaroon ng dance battle at magpapatawa ako—I mean sa akin yun, ha—okey lang yun.

“Lahat naman may moment to shine. Okey lang yun, it’s fun, for the spirit of fun.”

REMEMBERING DOLPHY. Ginunita noong July 10 ang 3rd death anniversary ng Comdey King na si Dolphy. Agad naming tinanong ang Divine Diva kung paano niya ginunita ang kamatayan ng kanyang dating partner.

Kuwento niya, “Oo, nagkanya-kanya kami kasi ngayong week na ito sobrang toxic sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-shooting ako ng Larawan, 'tapos nag-benefit show ako kay Mon Faustino, sunud-sunod talaga siya, 'tapos nag-rehearsal ako sa Sunlife.

“Nagpunta na lang ako dun, inabutan ko si Eric [Quizon], nandun na siya.

“Ako nagpalagay ako ng usual flowers na pinu-post ko 'tapos saka kandila. Kasama ko si Coco [Nicole] kasi yung isang anak ko nasa Germany, si Zia.”

BACK TO DOING TELESERYE. Regular na napapanood sa ASAP XX, bukod dito ay magbabalik serye muli si Zsa Zsa.

“I’m going to start a new serye, The Story of Us.

“Kasama ko dito sila Kim [Chiu] and Xian [Lim] and excited ako kasi makakasama ko uli si Aiko [Melendez], after what, 20 years na yata?

“Matagal-tagal din akong napahinga sa serye so I’m really excited to work again sa isang soap opera.

“I will also have a concert in Resorts World entitled Beginnings, sana manood sila. I am also busy promoting my album Beginnings where handpicked ko yung mga songs na kasama dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN