Claudine Barretto welcomes 36th birthday with sister Marjorie, niece Julia, and the rest of Barretto family

Kita ang saya sa mukha ni Claudine Barretto base sa mga larawang ibinahagi nito sa kanyang Instagram account dahil dumalo ang nakaalitang kapatid na si Marjorie Barretto sa kanyang birthday salubong. Makikita sa iba pang mga larawan na mukhang ayos na rin ang relasyon ni Marjorie sa mga magulang nitong sina Miguel at Inday Barretto, na nakasagutan din niya nitong mga nakaraang taon.


Mukhang tuluyan na ngang nanumbalik ang magandang samahan ng magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto pagkatapos nilang magkaroon ng alitan nitong mga nakaraang taon.

Kagabi, July 19, sa birthday salubong ni Claudine para sa kanyang ika-36 kaarawan, nakasama niya ang kanyang Ate Marjorie at mga pamangkin na sina Julia, Claudia, at Dani Barretto.

Unang nagbahagi ang Etiquette for Mistresses actress ng larawan nila ni Marjorie sa Instagram kung saan nakasaad ang ganitong mga salita: "Im so thankful for this day. @marjbarretto"


Im so thankful for this day. @marjbarretto

A photo posted by @claubarretto onJul 19, 2015 at 5:29am PDT

@juliabarretto @marjbarretto checking r pictures 💋

A photo posted by @claubarretto onJul 19, 2015 at 5:52am PDT

Happy happy birthday, Mama. ♡

A photo posted by Dani Barretto (@danibarretto) onJul 19, 2015 at 6:06am PDT

Sa iba pang mga larawan, makikita namang kasama ni Claudine ang kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto, ang kuya niyang si Mito, ang sister-in-law niyang si Connie, at iba pang pamangkin.

Kasama rin sa selebrasyon ang mga anak ni Claudine na sina Sabina at Santino.

Sa caption, halatang labis-labis ang kaligayahan ng aktres.

Family =❤️

A photo posted by @claubarretto onJul 19, 2015 at 9:15am PDT

#blessed

A photo posted by @claubarretto onJul 19, 2015 at 9:18am PDT

Ilang oras pa lang ang nakalilipas ay nag-post din si Marjorie sa Instagram ng larawan nila ni Claudine, kalakip ang mensaheng ito:

"They say time heals all wounds... But for the deeper and more painful wounds, I know only God in all his mighty power can heal my heart and Claudine's. I realized last night, that God is greater and bigger than all the pride and unforgiveness we both had for each other. Happy Happy Birthday Claudine! May this year be all about doors of oppurtunities opening up for you, lots of work, love and laughter💜"

Matatandaang taong 2013 nang nagpatutsada ang magkapatid na Gretchen at Marjorie kay Claudine sa Instagram sa pagdepensa nila kay Julia na diumano’y bina-bash ni Claudine.

Read: Gretchen Barretto involved in word war with "Claudine Barretto" on Instagram

Nitong pagpasok ng 2015, kumalat ang balitang sina Gretchen at Marjorie naman ang nagkaroon ng alitan dahil sa pagpuri diumano ng una kay Liza Soberano, na itinuturing ng huli na karibal ng anak na si Julia sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Gretchen and Marjorie Barretto at war because of Julia-Liza rivalry?

Read: FIRST READ ON PEP. Gretchen Barretto confirms silent war with sister Marjorie: “At least, it’s silent!”

Bago pa man mag-celebrate ng kanyang ika-18 kaarawan si Julia nitong Marso, nagkaroon ng haka-hakang nagkaayos na sina Marjorie at Claudine.

Napatunayang totoo ito nang dumalo nga si Claudine sa debut ni Julia.

Read: Are Marjorie and daughter Julia reaching out to Claudine Barretto?

Samantala, nakatakda ngayong taon ang major comeback ni Claudine matapos nitong magpahinga sa paggawa ng pelikula.

Kasalukuyan na siyang nagsu-shooting para sa Etiquette for Mistresses kasama sina Kris Aquino, Iza Calzado, at Kim Chiu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN