Ai-Ai delas Alas on Jiro Manio’s death report: “Not true!”

Pinabulaanan ng Philippine Queen of Comedy na si Ai-Ai delas Alas ang balitang kumakalat ngayon sa Internet na diumano'y pumanaw na ang aktor na si Jiro Manio. Sana raw ay ipagdasal na lamang ng mga tao ang mabilis na paggaling ng dating child actor sa halip na gumawa ng hindi kanais-nais na balita.


Walang katotohanan ang balitang lumabas sa Internet noong Sabado, July 18, na pumanaw na diumano ang aktor na si Jiro Manio.

Nakasaad sa naturang balita ang mga sumusunod: "Breaking News: Batang Actor Na Si Jiro Manio Natagpuang Patay Sa Cainta Rizal! Panoorin!"

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng Philippine Queen of Comedy na si Ai-Ai delas Alas sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kahapon, July 19.

Ayon pa kay Ai-i, patuloy pa ring ginagamot si Jiro sa isang private facility.

Narito ang kabuuang post ni Ai-Ai:

“GOOD MORNING FOLLOWERS ...

“NAG TEXT PO YUNG DADDY NI JIRO KAGABI AND NGAYUN NABASA KO DIN SA ISA KONG FOLLOWER ABOUT KAY JIRO ......

“WALA PONG KATOTOHANAN( NOT TRUE) KUNG ANO MAN ANG PANGIT NA KUMAKALAT ABOUT HIM ..

“Nasa mabuti po SYANG kalagayan .. Nasa FACILITY SYA AND NAGPAPAGALING .. Eto po ang update nya for today galing sa DOKTORA NYA…

“SANA YUNG MGA WALANG MAGAWA DYAN WAG NA KAYO IMBENTO NG MGA KUNG ANO ANO ABOUT KAY JIRO .. Lets just pray na mabilis na lang ang recovery nya at makita nyo na sya SOON… GOD BLESS YOU!!!💚🙏”

Kalakip ng post ni Ai-Ai ang mensahe ng doktorang nangangalaga ngayon kay Jiro.

Ang Philippine Queen of Comedy ang isa sa masigasig na tumutulong kay Jiro, mula nang nakitang pakalat-kalat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang aktor noong June 30.

Read: Ai-Ai delas Alas takes on role of mother to Ang Tanging Ina co-star Jiro Manio


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN