Andi Eigenmann posts message of hope for troubled teens

Andi Eigenmann to troubled teens: "May dahilan kung bakit sa mga taong katulad natin binibigay ang ganitong klaseng mga pagsubok. Dahil matapang tayo. Dahil kaya natin to. Kung kaya ko, sinisigurado ko, kayang kaya niyo rin. Kapit lang. Lilipas din yan."


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account kahapon, July 19, isang mensahe ang ipinarating ni Andi Eigenmann para sa mga kabataang dumadaan sa pagsubok.

Saad ng Kapamilya actress, 25 years old pa lang siya ngayon ngunit napakarami na niyang pinagdaanang iba’t ibang pagsubok sa buhay.

Karamihan sa mga ito ay naging kontrobersiyal at naisapubliko, lalo na ang tungkol sa mga nagiging relasyon niya at ang pagkakaroon ng anak sa murang edad.

Sinabi rin ni Andi na hindi niya alam kung kailan matatapos ang mga pagsubok o problema niya, pero binigyang-diin niya na hindi sagot ang pagpapakamatay o pagkitil sa sariling buhay.

Walang pangalang binanggit si Andi kung may pinatutungkulan siya sa kanyang post.

Pero dahil sa sunud-sunod na balita na kinasasangkutan ng ilang kabataang artista, posibleng ito ang paraan ni Andi para makapagbigay ng inspirasyon sa mga bata at teenager na dumadaan sa pagsubok ngayon.

Narito ang kabuuang post ni Andi sa Facebook:

“Sa edad na 25, marami na akong pinagdaanan, na nakapagparamdam sa akin na ang pwede ko na lang gawin ay tapusin ang buhay na binayaya sa akin ng Diyos.

“Alam ko yung pakiramdam na sa mababang edad akala mo nasa iyo na ang lahat, pero buhat ng isang pagkakamali, sa isang iglap, sira na pala ang lahat ng ito.

"Lumipas man ang isang problema, hindi pa rin natatapos ang mga pagsubok ko sa buhay, at hindi ko alam kung darating ba ang oras na lilipas din ang mga ito.

"Pero sigurado ako sa isang bagay: Mapalad ako dahil naririto pa rin ako hanggang ngayon kasama ninyong lahat.

“At kahit bumagyo man, nakakaranas pa rin ako ng sikat ng araw na nagbibigay sa 'kin ng kasiyahan at lakas para makapagpasalamat at ako ay nandito pa.

“Sa lahat ng oras na akala ko sira na ang buhay ko, pinaramdam sa akin ng Diyos na hindi niya ako binigyan ng pagkakataong mabuhay para lang sumuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi masama, na umasang makakatayo ka pa rin kahit ilang milyung beses ka nang nadapa.

“Ang dami kong naririnig tungkol sa mga batang gustong tapusin ang kanilang mga buhay, at dahil masasabi kong napunta na ako sa inyong posisyon ng iilang beses, kaya kong sabihan na wag nating hayaan na dito magtapos ang lahat.

“May oras pa, may mga paraan pa para baliktarin ang kapalaran natin at maging masaya. Nasa ating mga kamay kung paano tatakbo ang buhay natin at anong klaseng kinabukasan ang magkakaroon tayo.

“At bilang isa na rin akong ina, para sa mga magulang, isa sa pinakaimportanteng dahilan kung bakit tayo nabubuhay ay para gabayan sila, at hindi sila pabayaan.

“Sa mga batang nawawalan na ng pag-asa, wag kayong susuko, kahit ano pa yan.

"May dahilan kung bakit sa mga taong katulad natin binibigay ang ganitong klaseng mga pagsubok. Dahil matapang tayo. Dahil kaya natin to.

"Kung kaya ko, sinisigurado ko, kayang kaya niyo rin. Kapit lang. Lilipas din yan."

Sa edad na 25, marami na akong pinagdaanan, na nakapagparamdam sa akin na ang pwede ko nalang gawin ay tapusin ang buhay...

Posted by Andi Eigenmann on Sunday, 19 July 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN