Martin del Rosario on possibility of courting Kylie Padilla: “Siyempre may chance... gusto ko siya.”

Martin del Rosario says there is a chance of him courting his Buena Familia co-star Kylie Padilla. He also reveals that he likes her, “I admire her, maganda siya." However, Martin says he wants to get to know Kylie first before making a move. “Kasi siyempre sa trabaho, mahirap lang kasi kung relationship lang papasukin mo, hindi mo pa masyadong kilala. So, kailangan may oras. [It] takes time na makilala mo yung isang tao."


Makakatambal ni Martin del Rosario sa kauna-unahang pagkakataon si Kylie Padilla sa bagong GMA Afternoon Prime series na Buena Familia, na magsisimula na ngayong Lunes, June 27.

Pero bago pa nito ay nagkasama sila sa isang guesting sa lifestyle talk show ng GMA News TV na MARS.

Mula raw noon ay inasam na ni Martin na makapareha si Kylie sa isang teleserye.

Kuwento pa ng aktor, “Paglipat ko ng GMA, nag-guest po kasi [kami] sa MARS.

“Isang beses lang, tapos mula noon, [kapag tinatanong ako] ‘Sino gusto mong partner?’

“[Sinasagot ko], marami akong crush, e, pero nabanggit ko si Kylie.”

Pero dahil madalas na silang nagkakasama ngayon sa taping ng Buena Familia, may pag-asa kayang magka-debelopan sila at ligawan niya si Kylie?

Sagot ni Martin, “A, siyempre may chance.

“Ako kasi, gusto ko siya. I admire her, maganda siya."

Dagdag pa niya, “Napakatotoo, [kung] paano siya magsalita, napaka-genuine, malalim.

“Pag kinakausap ko siya pag kaming dalawa lang, pag nag-o-open up siya, malalim siyang kausap."

Subalit nilinaw ni Martin na mas gusto muna niyang makilala si Kylie nang lubusan bago siya pumasok sa isang seryosohang relasyon.

“[Pero] ano lang, kasi siyempre sa trabaho, mahirap lang kasi kung relationship lang papasukin mo, hindi mo pa masyadong kilala.

“So, kailangan may oras. [It] takes time na makilala mo yung isang tao.

“Kasi siyempre, halimbawa may project, nagkaroon ng problema, magiging awkward.

“Yun yung nakakatakot, kung maging awkward.

“Sa gitna ng show, biglang naging awkward kayo sa isa’t isa, yun yung mahirap.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Martin sa grand launch ng Buena Familia nitong Lunes ng gabi, July 20, sa GMA Network Center.

REGULAR SHOW. Sa kabilang banda, masaya si Martin dahil mayroon na ulit siyang regular show simula nang lumipat siya sa GMA Network, mula ABS-CBN, noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Matagal na rin kasi akong [nabakante].

“After kong lumipat dito, nag-guest ako sa Rhodora X, after nun medyo nagpahinga ako ng medyo matagal.

“Ngayon, nakakatuwa na finally nagkaroon ako ng regular na show.”

Bukod sa Rhodora X, nakapag-guest na rin si Martin sa ilang episodes ng Magpakailanman at Karelasyon.

Masaya ba siya sa takbo ng karera niya sa nilipatang istasyon?

Saad ng aktor, “Dito, alam ko matagal ako nagpahinga, mabagal lang yung takbo ng career, pero at least sure siya. Kumbaga, may plano.

“Kaya nakakatuwa na naglu-look forward ako. After this, meron pa sana, ganun.”

Inamin din ni Martin na nakakaramdam siya ng pressure dahil ang papalitan nila ay ang toprating afternoon teleserye ng GMA na Yagit.

“Siyempre may pressure, [pero] siguro ang solusyon diyan is gawin mo yung best mo.

“Gawin ng buong cast, ng production yung best nila.

"Kasi, at least, kung ‘di man matapatan yung ano [previous show], at least walang regret. At least you tried your best.

"Kasi medyo confident naman ako sa story dahil maganda yung plot, madaming twists, madaming revelations."


WORKING WITH SUPERSTAR NORA AUNOR. Ibinahagi rin ni Martin na gagawa siya ng pelikula kasama ang Superstar na si Nora Aunor na may titulong Lamang Madre.

“It’s about… actually ‘di ko alam kung puwede sabihin yung story.

“[Pero] parang ano siya, mother and son, anak na iniwan for 20 years, tapos nagbalik [yung mother].

“So, kailangan naming kilalanin yung isa’t isa. Kahit mag-ina kami, marami pa kaming hindi alam sa isa’t isa.

“Pero unti-unting palamig na palamig yung relationship namin hanggang sa maraming revelation na masasabi sa dulo."

Ayon kay Martin, nakakaramdam siya ng pinaghalong kaba at excitement dahil makakasama niya ang Superstar sa unang pagkakataon.

“Kinakabahan kasi siyempre, Superstar po yung kasama ko, and then first time.

“Kinakabahan siyempre at saka nae-excite kasi bihira naman na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napaka-blessed ko naman na makasama ang Superstar sa isang movie na parehong tungkol sa istorya [ng mga characters] naming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN