Angelu de Leon reacts to Jolina Magdangal's statement about working with Claudine Barretto again: "I don’t find it offensive."

Angelu de Leon on issue between Claudine Barretto and Jolina Magdangal: "Bilang pareho na silang nanay, pareho na silang nagkaasawa, I think mas maiintindihan nila ang isa’t isa. Kaso nga lang, it’s always the perspective of nagbabasa. And for me, noong nabasa ko siya, I don’t find it offensive. "


Bilang dati silang magkakasama sa youth-oriented variety show ng ABS-CBN na Ang TV, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Angelu de Leon sa isyu ngayon sa pagitan nina Claudine Barretto at Jolina Magdangal.

Kamakailan kasi ay sinabi ni Jolina sa isang panayam na nagkaroon siya ng hesitation na makatrabaho muli si Claudine dahil sa hindi naging magandang karanasan niya noong ginagawa nila ang dating primetime series ng GMA Network na Iglot (2011).

Dahil dito ay may ilang nag-react nang hindi maganda at binatikos si Jolina, kahit na sinabi rin nitong bukas na siyang makipagtrabaho muli kay Claudine pagkatapos nilang magkita sa reunion ng Ang TV.

Read: Jolina Magdangal hesitant to work with Claudine Barretto again

Alam ba ni Angelu ang naging isyu nina Jolina at Claudine? Wala ba siyang naging ganoong karanasan kay Claudine katulad ni Jolina?

Huli raw nakasama ni Angelu si Claudine sa dating TV series ng ABS-CBN na Buttercup (2003-2004).

Sabi ni Angelu, “I read about it, pero wala naman akong ganoong karanasan kasi magkahiwalay nga kami. ABS siya [Claudine] at GMA ako.”

Magkaibigan daw sila ni Claudine noong Ang TV days nila, pero naputol ito nang lumipat si Angelu sa GMA.

Sabi pa ni Angelu tungkol sa isyu nina Jolina at Claudine, “Parang siguro kasi, ganito lang yun, depende kasi sa nagbabasa.

"Pero kung titingnan mo naman sa perspective ni Jolina, it was the past. She was just stating the past.

“And she mentioned na nagkaroon kami ng reunion and it was okay.”


READER IS KING. Nandoon din siya sa reunion ng Ang TV Kids?

“Yes and wala namang... kumbaga, ang nasa kanya, okey na siya.

"At bilang pareho na silang nanay, pareho na silang nagkaasawa, I think mas maiintindihan nila ang isa’t isa.

“Kaso nga lang, it’s always the perspective of nagbabasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And for me, noong nabasa ko siya, I don’t find it offensive.

"I don’t think Claudine should find it offensive also because she’s [Jolina] just stating a fact.

“At least ngayon, noong magkita sila, okey na sila.

"Mas naiintindihan na niya si Claudine. Mas puwede na niyang masuportahan, which is a good feeling for me."


GOD’S GRACE. Katulad ni Claudine ay nasangkot din noon si Angelu sa kung anu-anong isyu, partikular na ang pagdadalantao niya sa murang edad.

Ano ang masasabi ni Angelu sa mga pinagdadaanan ni Claudine ngayon?

Tugon niya, “Well, I guess, kasi iba-iba yung path na pagdadaanan natin.

"Tuwing magte-testimony ako sa church, sinasabi ko na, looking back at what I did, who I was, parang it’s only really by the grace of God na nakabangon ako, nakabalik ako, at ganito ako ngayon.

“Kasi, on my own, I cannot do it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN