Melissa Ricks ready to work with ex-boyfriend Jake Cuenca again

Melissa Ricks on making a full comeback in showbiz: “Sabi ko kasi dati, pag binigyan ako ng project... Siguro when I dropped the weight and I’m ready to leave Kiera for a day or two, siguro yun ang time na puwede na akong mag-work. Pero gusto ko talaga, when I come back, better than I was before.”


Aminado si Melissa Ricks na na-excite siya nang makatrabaho ulit niya ang dating ka-loveteam na si Matt Evans sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong Mayo.

Bahagi ito ng pagbabalik sa showbiz ng aktres matapos manganak noong Enero.

Saad ni Melissa, “Nakakatuwa nga, kasi before I got pregnant, Ipaglaban Mo, si Matt ang kasama ko.

“Tapos yung comeback ko, si Matt ulit ang kasama ko [sa MMK], so sobrang natutuwa ako.

“Sabi nga nila, ‘Who do you want to work with in the future na artista?’ Ako, kahit sino naman, pero I really want to work with Matt.

“Kasi iba yung feeling pag kasama ko siya, e, even if he has a family already, ninang din ako ng baby niya, parang comfortable ako, tapos sanay na kaming magkatrabaho.

“Na-miss ko rin, ilang years na rin kaming hindi nagkakatrabaho.

“So, sana in the future magkatrabaho ulit kami.”

Teenagers pa lang sina Melissa at Matt nang maging magka-loveteam sila ABS-CBN.

Ngayon ay pareho na silang mayroong babies. Isang taon na si Baby Marley ni Matt sa kanyang asawa. Habang six-month-old naman si Baby Kiera Kelly ni Melissa sa kanyang partner na si Charles Togesaki.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Melissa sa media announcement na inorganisa ng ABS-CBN Digital Media Division para sa kanilang Chicken Pork Adobo, ang multi-channel network na inilunsad kamakailan ng ABS-CBN.

Ginanap ito noong Hulyo 15 sa 14th floor ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound.

Isa si Melissa sa 90 creators ng Chicken Pork Adobo, na may kanya-kanyang YouTube channels na sakop ang iba’t ibang tema: toys, fashion, comedy, music, lifestyle, vlogs, entertainment, arts and crafts, food, parenting, at inspirational.

Ayon kay Melissa, ang channel niya ay tungkol sa parenting at “everything under the sun.”

JAKE CUENCA. Hindi rin nakaligtas si Melissa sa tanong ng PEP kung willing na ba siyang makasama sa isang proyekto ang ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naging controversial ang breakup nila noon kaya for a time ay hindi nila ginustong makatrabaho ang isa’t isa.

Tugon ni Melissa, “Siguro, yeah, I can work with Jake na.

“Depende naman iyon sa kanya, e.

“Ako, wala akong problema, e, walang problema sa akin.”

Totally naka-move on na raw siya at naka-get over na sa mga nangyari sa kanila noon.

“Yeah, just let it go. Sana lang nagbabago yung tao.

“Pero wala na akong problema sa kanya.

“Hi-hello na kami ngayon. Hindi na kami dedma. Hi-hello naman.

“Sa Star Magic Ball, pag nadadaanan ko siya, binabati ko siya.

“Kasi ang tagal na rin, five years na. So, siguro I can work with him na.”

COMEBACK. Sa pagbabalik ni Melissa sa showbiz, nakagawa na siya ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya at naging parte rin siya ng lucky stars ng Kapamilya Deal Or No Deal.

Kailan naman siya magpu-full time ulit sa showbiz?

Saad niya, “Sabi ko kasi dati, pag binigyan ako ng project.

“Tapos ngayon, parang nag-iba yung isip ko.

“Sabi ko, gusto ko munang i-enjoy yung time with my baby.

“Siguro when I dropped the weight and I’m ready to leave Kiera for a day or two, siguro yun ang time na puwede na akong mag-work.

“Pero gusto ko talaga, when I come back, better than I was before.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN