Kylie Padilla thumbs down possible reconciliation with Aljur Abrenica

Kylie Padilla on working again with ex-boyfriend Aljur Abrenica: "Open ako, kasi gusto ko talagang makita yung... alam mo yun, gusto kong makitang nag-grow siya as an artist."


Masaya si Kylie Padilla na nagbalik-GMA na ang ex-boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Matatandaang noong July 2014 ay naghain ng pormal na reklamo si Aljur laban sa GMA Network sa kagustuhan nitong kumalas na sa kontrata niya rito.

Read: Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged "gross mismanagement" of GMA Artist Center

Pahayag ni Kylie tungkol sa pagbabalik-loob ni Aljur sa GMA, “Kasi napapanood ko siya, yung acting niya, you know, he’s better.

“Tapos he looks... mas game siya ngayon.”

Game in what sense?

“With showbiz. 'Tsaka parang mas napapakita niya yung galing niya. Mas passionate [sa trabaho].”

Gaano sila ka-close ni Aljur ngayon?

Ayon kay Kylie, “Minsan nagtatawagan pa rin kami, nagtatanong siya.

"Nagtatanong din ako ako kung kumusta siya, ganun.

"Kasi ayoko talaga ng may bad blood sa mga ex.

“Kasi ang OA naman. Nag-break na nga kayo, bad blood pa kayo, ibig sabihin, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa presscon ng bagong GMA afternoon series na Buena Familia, Lunes ng gabi, July 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

EMOTIONS IN CHECK. Paano kung manligaw muli sa kanya si Aljur?

“Work muna, please! Ayoko muna kahit si AJ [Aljur]!” natawang sabi ni Kylie.

Kaya ba niyang pigilan ang kanyang damdamin?

Sagot ni Kylie, “Oo naman. Oo naman, panindigan na yun.”

Pero wala naman daw siyang prinsipyo na kapag ex na niya ay hindi siya makikipagbalikan kung sakali.

“Hindi, kasi yung past ko, parang hindi... hindi ganun yung nangyari.”

So, bukas si Kylie sa tsansa ng reconciliation with an ex-boyfriend?

“Siyempre iisipin ko muna kung baka maulit lang yung nangyari sa amin dati. Iisipin ko muna lahat.

“Kung worth it, e, di go!”

WORKING WITH ALJUR AGAIN. Kanino mas close ngayon si Kylie—kay Aljur o kay Matthew Henares na ex-boyfriend din niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-isip muna si Kylie at saka natatawang sabi niya, "AJ!"

Papayag ba si Kylie kung sakaling may project na sila ni Aljur ang magkasama?

“Oo! Open ako, kasi gusto ko talagang makita yung... alam mo yun, gusto kong makitang nag-grow siya as an artist.”

Malabo bang magkabalikan sila ni Aljur?

“Hindi, ayoko muna,” sagot ni Kylie.

Alam ba niyang loveless ngayon si Aljur?

“Hindi ko alam. Hindi... sabi niya, dating daw siya.”

Pero wala ring lovelife si Aljur. Ayon sa Kapuso hunk, ang career niya ang lovelife niya ngayon.

Reaksiyon ni Kylie dito, “E, di good, di ba?

"Kasi yung trabaho natin, sobrang saya naman ng, di ba, ng work?”

Kaya pareho sila na trabaho ang ka-lovelife ngayon.

“Yes, parehas kami,” pagsang-ayon ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN