Ejay Falcon can't decide whether he'll court Ellen Adarna or not

Although he finds Ellen Adarna's lips kissable, Ejay Falcon woud rather focus on his work in Pasion de Amor first.


Kahit marami ang nakakapansin na kakaiba ang pagiging malapit nina Ejay Falcon at Ellen Adarna, lalo na nga't karamihan ng mga eksena nila sa teleseryeng Pasion de Amor ay sila ang magkasama, nagdadalawang-isip pa rin ang Kapamilya actor kung liligawan niya o hindi ang kapareha.

Pahayag ni Ejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Bago ko pa siya makatrabaho, nang makita ko siya sa Instagram, sabi ko, 'Grabeng sexy ng babaeng ito, sobrang ganda!'

"Kaya lang kasi, sa trabaho, mas yun muna ang iniisip ko.

"Pinapasantabi ko muna ang panliligaw sa kanya, trabaho po muna.

"Ayaw ko munang isipin na kailangang ligawan ko siya, kailangang may kiligin sa amin, kailangang trabaho po muna."

Pagkatapos ba ng Pasion de Amor, maeengganyo na kaya si Ejay na ligawan si Ellen, na umaming break na sa dati nitong non-showbiz boyfriend na si Raul Olbes?


Read: Ellen Adarna on breakup with live-in partner: "Kapag ayoko na, ayoko na and walang iyak-iyak. Kailangan move on kaagad!"

"Hindi ko pa po alam," nangingiting saad ng Pinoy Big Brother alumnus.

"Basta, abangan ninyo na lang.

"Basta, heto po, pag meron na talaga, handa na akong aminin, aaminin ko na."

Hindi naman niya isinasara ang kanyang pintuan sa ideyang puwedeng mangyari yun?

Sabi ni Ejay, "Kahit ano naman puwedeng mangyari, pero hindi rin natin alam kung kailan.

"Sa ngayon, malakas raw ang dating ng loveteam namin. Doon po muna ako.

"Lalo pa naming pinagaganda yung kung anuman ang nakita nila sa aming dalawa."

KISSABLE LIPS. Sa parte ng katawan ni Ellen, ano ang nakaka-excite kay Ejay?

Lalong napangiti si Ejay bago sumagot.

"Ako kasi, oo, sa una, magagandahan ako. Pero more on sa personalidad ako, e.

"Si Ellen, sobrang grabe ang personalidad niya. Ang lakas. Yun ang nakaka-excite.

"Pero ano... gusto ko yung lips niya.

"Lagi kasing mapula, kissable lips talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, ako, mas pipiliin ko ang may sense of humor, at ganun din siya sa set.

"Kasi yung sexy, matatrabaho mo 'yan, e.

"Sumabay lang 'yan sa akin [sa gym], kung hindi maging sexy 'yan... alam mo yun?

"Tuturuan ko pa yun," nakangiting sabi ni Ejay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN