FIRST LOOK: Jiro Manio's latest photo inside a Quezon City facility

Bilang patunay na walang katotohanan ang balitang kumalat sa Internet na patay na diumano ang batang aktor na si Jiro Manio, pumayag si Ai-Ai delas Alas na ilabas ng PEP ang larawan ni Jiro na kuha kanina lamang sa loob ng isang Quezon City facility kung saan kasalukuyang nananatili ang Magnifico star.


Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahintulot ni Ai-Ai delas Alas para ilabas ang litrato ni Jiro Manio na kuha kanina, July 21, sa isang Quezon City facility.

Pumayag si Ai-Ai na ilabas ang recent picture ni Jiro bilang patunay na walang katotohanan ang tsismis na kumakalat sa social media na pumanaw na ang dating child actor.

Read: Ai-Ai delas Alas on Jiro Manio’s death report: “Not true!”

Si Ai-Ai ang isa sa masigasig na tumutulong kay Jiro upang manumbalik ang pag-iisip at kalusugan nito.

Ayon kay Ai-Ai, bumubuti na ngayon ang kalagayan ni Jiro.

Sa larawang ipinakita niya sa PEP ay maaliwalas na maaliwalas na ang mukha ni Jiro, malayung-malayo sa hitsura nito noong makita siyang palaboy-laboy sa NAIA Terminal 3.

Dinalaw kanina ni Ai-Ai si Jiro sa kinaroroonan nito.

Kinumpirma rin ng Philippine Queen of Comedy na matagal na mananatili sa naturang facility ang Magnifico star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN