Ejay Falcon thinks some people outside Bahay ni Kuya are making fun of PBB

Ejay Falcon insists Pinoy Big Brother is not scripted and that, at least for him, things just happened. They were unplanned.


Bilang grand winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Plus grand winner noong 2008, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Ejay Falcon tungkol sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng latest edition ng reality show ng ABS-CBN, ang PBB 737.

Matatandaang inutusan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga taong nasa likod ng PBB na gumawa ng mga hakbang para proteksyunan ang housemates nito bunga ng mga reklamo sa programa.

Read: Pinoy Big Brother execs face MTRCB complaint due to alleged negative content to youth viewers

Pahayag ni Ejay, "Sa amin, wala pa kasing Twitter nun, e.

"Nung pumasok ako, alam kong merong Friendster, pero nung lumabas ako, Facebook na.

"Oo, yung mga tao sa labas, pinaglalaruan na nila, e.

"Minsan, ginagawa na nilang katatawanan, kahit hindi naman.

"Like, nauuso na kasi yung iku-collage ang pictures, tapos nilalagyan nila yung mga nakasulat dun.

"So, parang ganun."

Dugtong pa ni Ejay, "Ang PBB, 'di po talaga scripted yun.

"Kasi, nung nandun ako, umamin nga ako na nai-in love ako kay Valerie [Weigmann].

"Inamin ko na mahal ko talaga siya, pero kasi, yun ang naramdaman ko nung nandun ako.

"Hindi naman sinabi ni Brother na, 'Kailangang ganito o ganyan.'

"Hindi yun plinano sa akin.

"Yun nga lang, paglabas, may pagbabago talaga, may adjustment."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN