Bobby Andrews on friendship with Angelu de Leon: "I wouldn’t trade that for having a relationship for a couple of years."

Bobby Andrews says the challenge for him and Angelu de Leon these days is how to make their characters totally different from what they portrayed during their T.G.I.S. days.


Masaya raw si Bobby Andrews kapag nagkakasama sila sa mga proyekto ng orihinal na ka-loveteam niyang si Angelu de Leon.

Tulad ngayon sa bagong afternoon series ng GMA Network na Buena Familia, kung saan gaganap sila bilang mag-asawa at mga magulang ng mga karakter nina Kylie Padilla, Julie Anne San Jose, at Julian Trono.

Pahayag ni Bobby, “Sobrang tuwa ako noong malaman ko na kasama ko si Angelu.

"Siguro ang naging takot ko lang, how do we portray these characters na hindi makikita sina Peach and Wacks or Bobby and Angelu, to give justice to the characters?”

Sina Peach at Wacks o Peachy at Joaquin ay ang mga karakter na ginampanan nina Angelu at Bobby sa dating youth-oriented series ng GMA na T.G.I.S., kung saan sumikat nang husto ang tambalan nila noong mid hanggang late '90s.

Ngunit sa trailer ng Buena Familia, hindi maiwasang makita pa rin sina Peachy and Wacks sa kanila.

Sabi ni Bobby tungkol dito, “Oo, yun ang throwback.

"Kasi, ang hirap kapag ang nakikita nila, sina Peachy and Wacks, ang hirap i-take ng characters kasi medyo light yun.

"So, it was a challenge to make this more serious and make it work, yung dynamics, since may mga anak na rin kami [sa totoong buhay]."

Paano nila gagawing hindi na yung dating Bobby at Angelu ang makikita sa kanila sa bago nilang afternoon series?

Ayon kay Bobby, “Well, malaking bagay talaga yung dialogue.

"Siguro kung may makikita kayong picture, yung throwback, pero the characters are well grown-up naman.

"Sina Arthur at Bettina, ibang-iba ang characters namin dito.

“Ako, serious businessman na illegal pala on the side.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bobby sa presscon ng Buena Familia noong Lunes, July 20.

BOBBY-ANGELU LOVETEAM. Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Angelu na sa lahat ng mga naging kapareha niya, si Bobby ang pinaka-okey at hindi nagseselos dito ang mister niyang si Wowie Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Angelu de Leon's husband not jealous of Bobby Andrews

Ano ang reaksiyon dito ni Bobby? Flattering ba yun para sa kanya?

Saad niya, “No, no… siguro same reason din with my wife [Bienne Co].

"Kasi we have a history, e. We knew each other before we met our spouses, so given na yun.

"Kumbaga, all throughout our relationship, they [their respective spouses] came. We settled down.

“And if we get back together, kampante sila na we will still go back to our own [respective families].”

Hindi ba nila tinatanong ni Angelu ang isa't isa kung bakit hindi naging sila noon?

Sagot ni Bobby, “Hindi… you cannot help but think sometimes na 'What if?' Meron talagang ganun, what if.

"Pero siguro, with the relationship that we have now, I wouldn’t trade that for having a relationship for a couple of years, tapos masisira lang din yung friendship.

“Siguro, what I can say, what we have right now is the best thing that we can have.

"Kasi mahirap yun, di ba, may relationship kayo and then, eventually, maghihiwalay kayo.

“Maghihiwalay kayo, pati friendship sira na.

"Our relationship, it never changed from start to present.

"Maski na hindi kami magkita o mag-usap for so many years, but when we see each other, it’s as if walang time lapse."

Ayon pa sa aktor, “At saka, sinong loveteam na after 10, 20 years, and if they work together, yung mga fans, gusto pa rin silang makita together, ‘di ba? It’s very few, e.”

IT'S THEIR CHOICE. Kung sila na lang ni Angelu ang natitirang matibay sa showbiz mula sa grupo nila sa T.G.I.S., naniniwala si Bobby na kanya-kanya tayong “choice” sa buhay.

“First of all, siguro kaya kami aktibo ngayon, the others naman, they chose to leave show business by choice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Red [Sternberg] is in the States. Raven [Villanueva] is in the States. Kim [delos Santos] is in the States.

"Onemig [Bondoc] is busy with his school.

“But still, it’s very gratifying na kami pa rin ang nasa isip ng mga producers, mga fans, mga filmmakers.

"At saka to be partnered with Angelu, never siguro akong magsasawa to be partnered with her.

“I hope na every time kaming magpa-partner, iba-iba ang makikita sa aming characters.”

CHANGES IN ANGELU. Isa si Bobby sa nakakita kung paano nagbago si Angelu sa loob ng maraming panahon, mula noong teenagers pa lang sila hanggang ngayong pareho na sila may pamilya.

“Oo naman. Actually, noong ginawa namin yung Ikaw Na Sana [1998], yung series namin sa GMA, it was the first time I was working with her again after a long time.

"Dalaga pa siya when I worked with her.

“And nakita ko sa kanya na she was looking for somebody.

"Ang wish ko lang talaga sa kanya [noon], she finds someone that she can settle down [with].

"Kaya noong malaman kong ikakasal siya, ako na siguro ang isang taong pinakamasaya.

“Kasi, yun nga, makaka-settle down na siya.

"This is what she always wanted, to have her own family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN