Rayver Cruz denies rumored romance with Julia Barretto: "Huwag sanang lagyan ng issue."

Rayver Cruz had dinner with Julia Barretto's family upon the invitation of her mom, Marjorie Barretto.


Naging trending topic ang larawan ni Rayver Cruz kasama si Julia Barretto at ang pamilya nito para sa advanced 26th birthday celebration ng Kapamilya actor-dancer.

Kaarawan ni Rayver noong July 20, pero nagdiwang siya kasama ng Barretto clan noong July 17.

Ipinost pa nga ni Marjorie Barretto, ina ni Julia, sa kanyang Instagram account ang kuha ng selebrasyon nila para kay Rayver.

Birthday dinner for our dear @rayvercruz💜

A photo posted by marjbarretto (@marjbarretto) onJul 17, 2015 at 7:59am PDT

Dahil dito ay marami ang nag-react at nag-isip agad na may namamagitan na kina Rayver at Julia.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Rayver sa ASAP XX noong Linggo, July 19, ikinuwento ng aktor ang tungkol sa kanyang early birthday celebration kasama ang Baretto family.

“Oo, sweet nga nila kasi nagpa-dinner sila para sa akin.

"In-invite ako ni Tita Marj. Tinext niya ako."

Dagdag pa ni Rayver, “Magpo-post talaga kami kasi wala naman kaming itinatago.

"Nakakatawa nga yung isang post lang na kasama sila, kung anu-ano na ang lumabas."

Close ba talaga siya sa pamilya ni Julia?

Ayon kay Rayver, “Super! Parang second family ko sila.

"Sa London last year, Barrio Fiesta, sila ng mommy niya, tapos naging close kami.

"Super close talaga ako sa kanila.

"Lagi akong nagpupunta sa kanila. Bumibista.

"Ang sarap magluto ni Tita Marj.”

SINGLE FOR YEARS. Ano ang naging reaksiyon ni Julia sa isyung nag-uugnay sa kanilang dalawa?

“Wala. Natatawa lang siya. Tanungin ninyo siya, tatawa lang yun,” sagot ni Rayver.

Muling iginiit ni Rayver na malapit lang silang magkaibigan ni Julia.

Wala bang posibilidad na ma-develop sila sa isa’t isa?

Sagot ni Rayver, “Wala, wala talaga.

"Siguro nainip na rin ang mga tao para sa akin kasi magta-tatlong taon na akong single.

"Pero hindi naman ako nagmamadali. Darating naman yun."

Patuloy niya, “Kaya siguro, kung sino ang makasama ko, kahit sila Lauren Uy, sila Liz [Uy], kasi close din ako sa magkapatid na yun, sasabihin, nililigawan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sanay na ako, kasi pag single ka, kung sino ang makasama mo, yun ang mali-link sa iyo, e.

“Hindi ko iniisip 'yan para kay Julia kasi ang bata pa niya, 'di pa yun magbu-boyfriend sa ngayon. Huwag natin ilagay sa isip niya.

"Ako nga, wala, huwag sanang lagyan ng issue."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN