Sen. Ralph Recto denies Gov. Vilma Santos received offer from PNoy admin to run as Vice President in 2016

Senate President Pro Tempore Ralph Recto on PNoy administration's alleged offer to Governor Vilma Santos to run as Vice President in 2016 elections: “I don’t think Vi said there were feelers. She reacted to statements that there are people considering her to be their vice president. And she said thanks for considering her but she is not interested.”


Pinabulaanan ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang balitang nakatanggap ng “feelers” ang misis niyang si Batangas Governor Vilma Santos upang kumandidato bilang vice president sa May 2016 elections.

Taliwas ito sa naunang ulat kung saan nabanggit na kinukuha ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Governor Vi na makatambal ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, na pinaniniwalaang tatakbo bilang presidente ng bansa sa 2016.

Parehong kabilang sina Senator Ralph at Governor Vilma ng Liberal Party, na siya ring partido nina PNoy at Secretary Mar nang tumakbo sila bilang president at vice president noong 2010 elections.

Paglilinaw ni Senator Ralph hinggil dito: “I don’t think Vi said there were feelers.

“She reacted to statements that there are people considering her to be their vice president.

"And she said thanks for considering her but she is not interested."

Nilinaw rin ni Senator Ralph na walang balak si Governor Vilma na kumandidato bilang vice president sa kabila ng kaalamang magtatapos na ang termino ng huli bilang gobernador ng Batangas sa susunod na taon.

“She’s not interested at all,” pahayag ni Senator Ralph, base sa ulat ng The Philippine Star ngayong Miyerkules, July 22.

Nagbiro pa ang senador na tatakbo lang sa mas mataas na posisyon sa gobyerno si Governor Vilma kung sila ang magkatambal bilang president at vice president, respectively.

Sa panayam ng nabanggit na pahayagan noong July 20, walang direktang sinabi si Governor Vilma na hinihimok siya ng administrasyon upang kumandidato bilang vice president sa 2016.

Sabi lang niya: “Thank you for considering me. I don’t entertain them.”

Minsan na ring naiulat na kung sakaling tumakbo si Davao Mayor Rodrigo Duterte bilang presidente sa 2016 ay nais niyang makatambal si Governor Vi bilang bise presidente.

Ngunit sa maiksing panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Governor Vilma noong June 3, nilinaw niyang wala siyang natatanggap na formal offer mula kay Mayor Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Governor Vilma: "Please understand... No comment!

"Though thank you for considering me.

"I just read it in the papers and there has been no offer."

Read: Batangas Governor Vilma Santos no comment on alleged offer of Mayor Duterte to be his running mate in 2016 elections

Consistent din ang gobernadora sa pagsasabi na ang pinagtutuunan niya ng pansin ngayon ay ang pagtaguyod ng kanyang mga programa at proyekto sa lalawigan ng Batangas hanggang sa matapos ang kanyang termino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN