Angeline Quinto admits suicidal thoughts in the past; withdraws from TV remake of Ang Probinsyano

Nanghihinayang si Angeline Quinto na hindi na siya matutuloy sa teleseryeng Ang Probinsyano dahil sa conflict ng schedules. Nataon din kasing may upcoming concert siya sa Big Dome kasama si Erik Santos at hindi raw kakayanin ng schedule niya ang pagsabayin ang rehearsal at taping.


Ipinaliwanag ni Angeline Quinto ang tungkol sa #NoToSuicide post sa Instagram ng matalik niyang kaibigan na si Vice Ganda, kung saan kalakip ang larawan nilang dalawa habang masayang nag-uusap.

Read: Vice Ganda posts #NoToSuicide message on Instagram

Vice Ganda posts #NoToSuicide message on Instagram

Read more at: http://www.pep.ph/news/54648/vice-ganda-posts-notosuicide-message-on-instagram
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook

Panimula ng 25-year-old singer-actress, “E, kasi yun naman po talaga ang issue ng mga kabataan po.

"So, nung time na nagkita kami ni Ate Vice sa bahay niya, hindi namin maiwasang pag-usapan yun.

“So, sabi ko sa kanya, ‘Gusto ko lang maging masaya ngayong gabi, ‘te.’

“Hanggang sa nag-take kami ng picture po na happy lang saka siya nagkaroon ng caption about sa #NoToSuicide.”

Alam ba niyang isa sa naging interpretation ni Vice sa naturang post ay dahil may suicidal tendencies daw siya?

Natatawang sagot ni Angeline, “Talaga ba? Siguro.

“Pero dati pa yun, inaamin ko naman talaga yun.

"As in bata pa po ako nun, siguro mga 16 years old.

“Medyo hindi ko pa alam kung paano i-handle yung mga family problems.

"So, ‘di ba, alam naman ng lahat na broken family ako?

"So, dumating sa point na pati yung mama ko po, gusto na niyang ibigay ako sa tatay ko.

"Na parang ako, hindi ko na alam kung saan ako dapat.

“Parang ganun po yung nangyari, na gulung-gulo na yung isip ko.

"And inamin ko yun kay Ate Vice."

Hindi naman daw umabot sa puntong gagawin na niya ang pagpapatiwakal kundi hanggang nasa isipan lang niya ito.

Paano niya nalagpasan ang naturang phase sa kanyang buhay?

Tugon ni Angeline, “Nagdasal ako. Nagdasal ako...

"Kasi, sabi ko sa sarili ko, noong panahon na yun, kung wala nang nakakarinig sa akin, alam ko may isa pa—si God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana sabi ko na, ‘Maging clear sana yung isip ko, yung puso ko,’ na sa ganung edad nangyari sa akin yun.

“Hanggang sa naging maayos lahat.

"Natakot ako nun kasi bakit pumapasok sa isip ko yun."

Paano ba niya hina-handle ang depresyon ngayon?

Tugon ng Kapamilya singer, “Ngayon, gusto ko lang na marami akong makakusap na malapit sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Angeline sa launching nito, kasama ng kaibigang si Vice Ganda, bilang endorser ng Platinum Karaoke.


ANG PROBINSYANO. Sa kabilang banda, nagpahayag naman ng panghihinayang si Angeline na hindi na siya matutuloy sa TV adaptation ng Ang Probinsyano

Sina Angeline at si Bela Padilla sana ang magiging leading ladies ni Coco Martin dito.

Sabi ng ASAP mainstay, “Gusto ko lang linawin, hindi na po ako kasama. Ngayon ko lang po ito sinabi, ha.

“Kasi po, before pa po, nung nilalatag pa po yung mga schedule namin, pabagu-bago kasi yung taping.

"Hanggang sa umabot na before mag-concert [with Erik Santos on August 15 at Smart-Araneta Coliseum], so hindi na po nagawan ng paraan.

“Meron na po akong mga schedules na before na nagawa na para ngayong taon.”

Malaking proyekto ang Ang Probinsyano kaya labis daw ang panghihinayang ni Angeline na hindi na siya kabilang sa cast.

“Yun nga po, sayang.

"Tapos ito po sana yung first time naming magkakasama ni Coco Martin sa teleserye.

“E, kung nangyari po ito, sabi ko, ‘Baka may dahilan naman po kung sakaling baka may susunod.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN