Julian Trono puts career plans in Korea on hold

Julian Trono on his plans to have a career in Korea: "Actually, nandun pa rin yun, pero mas nag-focus lang kami sa training dahil nakikita namin ang response ng tao."


Mahigit isang taon din ang hinintay ni Julian Trono bago nasundan ang teleserye niya sa GMA Network.

Ang huling serye na nakasama siya ay ang Niño, at ngayon ay kasama naman siya sa bagong afternoon series na Buena Familia.

Pero nilinaw ni Julian hindi siya nainip o nagtanong dahil marami rin siyang ginawa noong wala siyang regular na teleserye.

“Nag-study rin ako noong time na yun at ayaw ko rin naman po kasing nasasayang ang oras.

"So, noong habang nagpapahinga ako sa soap, pumasok yung Korean thing ko habang nag-aaral ako.

“Sobrang busy rin po ako noong time na yun.”

Sa Meridean International School daw siya nag-aaral.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julian sa presscon ng Buena Familia noong July 20.

‘KOREAN THING.’ Isa sa mga tinanong namin kay Julian ay yung sinasabi niyang “Korean thing.”

Ano na nga ba ang nangyari roon na kung saan ay nagpunta pa siya ng Korea at nakapag-guest din sa ilang shows dun?

Tila tahimik na ngayon ang tungkol sa posibleng career niya roon.

Saad ni Julian, “Actually kasi, meron na kaming second single.

"Ang original plan po, after ng first, ilalabas kaagad yung second one.

"Unfortunately, meron lang thing sa Korea ngayon. Meron din yung sakit [ang MERS, or Middle East Respiratory Syndrome].

"So, nakapag-decide rin kasi ako na why rush it kung puwede kaming mag-take time at mag-work pa ng mas maganda?

“Kung puwede pang mag-focus sa music, makapag-train pa ko and makapag-record kami ng full album talaga...

"Actually, tapos na, nakagawa na kami ng pang-full album talaga, ire-record na lang siya."

Ito raw ang dance album na ginagawa niya at iri-release ng GMA Records.

Pero sabi ni Julian, “Sana mai-release rin siya sa Korea.

"Katulad ng first song ko, dun muna siya nirelease tapos dito.

"Sana ganun din ang plan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKING HIS TIME. Ang buong akala ng iba ay parang kinu-konsider na ni Julian na magkaroon ng career sa Korea at mas magpapabalik-balik siya roon.

Anong nangyari at mukhang hindi na nagma-materialize ngayon?

Saad niya, “Actually, nandun pa rin yun, pero mas nag-focus lang kami sa training dahil nakikita namin ang response ng tao.

"Pangalawa, yung music company, they’re coming up with GMA rin na mas malaking album.

“Maraming plans kasi na nakaano and since sa akin, naging choice ko rin to take my time.

"Kasi ayoko rin ng gumawa lang ng music. Nakakakanta lang, nandoon na, nagkaroon na ng album.

"Mas gusto ko yung kaya ko na talagang mag-perform, kaya ko nang kumanta talaga.

“Yun din, para give credit din sa mga totoong singers.

"Kung paano yung pinagdaanan nilang level ng training talaga. Ayokong ma-bypass yun.”

Pagtagal-tagal, kung mabibigyan talaga ng pagkakataon, sa Korea na ba si Julian bubuo ng career?

Tugon niya, “Sana pero mas gusto ko pa rin dito.

"Siguro kung magkaroon ng chance, opportunity there, why not?

"Pero kung may offer rito, mas mag-prosper rito, dito muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN