Vandolph happy about Zsa Zsa Padilla's upcoming wedding to Conrad Onglao: "Life must go on. She must move on."

Vandolph Quizon says he met Zsa Zsa Padilla's fiancé, Conrad Onglao, at the tomb of his late father, Comedy King Dolphy.


Masaya si Vandolph Quizon sa nalalapit na pagpapakasal ni Zsa Zsa Padilla sa arkitektong si Conrad Onglao.

Read: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao to wed in Italy in 2016

Si Vandolph ay anak ng actress-politician na si Alma Moreno sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

Si Zsa Zsa naman ang naging longtime partner ni Dolphy hanggang sa bawian ito ng buhay noong 2012.

Sabi ni Dolphy tungkol kay Zsa Zsa, “I’m happy for her.

"Hindi naman puwedeng magmukmok ka habang buhay.

"Life must go on. She must move on.

"I’m happy for her.

"At least, nahanap niya yung peace na matagal na niyang hinahanap."

Personal na bang naipakilala ni Zsa Zsa sa kanilang magkakapatid ang mapapangasawa nito?

Saad ni Vandolph, “Yes, nagkita kami once sa puntod ni Erpat [Dolphy], kasama niya si Sir Conrad.

"Lately, nag-guest sila sa Deal Or No Deal. Nandun kami ni Epi [Quizon, half-brother ni Vandolph], so acquainted na [kami]. Okay naman.

"Saka sino naman kami para humadlang, di ba?"

Pupunta ba siya sa kasal ni Zsa Zsa kung saka-sakaling imbitahin siya?

“Kung imbitahin ako? Yeah sure, why not?

"Thankful ako pag in-invite ako, di ba?" sabi ni Vandolph.

Yun nga lang, sa Italy raw balak magpakasal nina Zsa Zsa at Conrad sa 2016.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vandolph sa presscon ng upcoming ABS-CBN drama series na Ningning noong July 21.


DOLPHY’S DEATH ANNIVERSARY. Samantala, ginunita noong July 10 ang third death anniversary ng Comedy King.

Ayon kay Vandolph, "Dahil lahat busy, kanya-kanyang dalaw na lang kay Erpat.

"Bilis, ano? Three years na.

"Parang nandun pa siya sa Marina pa rin. Hindi ko pa rin naiisip na wala na siya.

"That’s life. Three years na siyang wala sa mundo, pero it feels like he’s there pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I always talk to him in my dreams, when I’m alone.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN