Karylle on upcoming wedding of mom Zsa Zsa Padilla and boyfriend Conrad Onglao: "Basta inaantay ko yung pamamanhikan."

Aminado si Karylle na parang umiiral sa kanya ang makalumang tradisyon sa ngayon dahil sa isang buwang bonding niya kasama ang kanyang lola at mga kapatid nito. Kaya naman hinihintay daw niya na mamanhikan sa kanila si Architect Conrad Onglao upang hingin ang mga kamay ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla,


Hindi pa raw masyadong malinaw kay Karylle ang napapabalitang pagpapakasal ng ina niyang si Zsa Zsa Padilla sa boyfriend nitong si Architect Conrad Onglao sa 2016.

Ngayong gabi pa lang daw kasi sila magkikita ng ina matapos lumabas ang panayam ng dalawa sa Kris TV noong Martes, July 21.

Read: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao to wed in Italy in 2016

Sabi ni Karylle sa press, “Hindi ko nga alam, e. Basta inaantay ko yung pamamanhikan.

“Sorry, I’m old-fashioned.

“Hindi ko nga alam, e, hindi ko nga napapanood, e. Ngayon ko lang siya makikita, e.

“Inaantay ko nga yung pamamanhikan bilang lola na yata ako.

"I hang out kasi… the whole of last month, with my lola, the mom of Mama, kasama ko lahat ng mga lola.

“Alam mo, yung ang simple joys namin ay yung student ID discount, ayaw nila ng senior citizen's ID.

"Kaya kapag bayaran na, ‘O, student ID.’

“Kaya ngayon, ang hinahanap ko pamamanhikan, kaka-hang out ko with my lola and yung magkakapatid.”

‘Strict parent’ ang paglalarawan ni Karylle sa sarili pagdating sa kanyang ina kaya kahit pabiro ay hinihintay raw talaga niyang mamanhikan si Conrad sa kanila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Karylle sa presscon ng Next Attraction: The Repeat, kaninang hapon, July 23, sa Jet 7 Bistro, Timog Avenue, Quezon City.

Gaganapin ang repeat concert nina Karylle, Isabella, Robin Nievera, at Paolo Valenciano sa August 14 and 15, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

CONRAD IS A NICE GUY. “He’s very nice,” ang papuri naman ni Karylle sa architect-boyfriend ng inang si Conrad Onglao.

“Kasi I work with kids sa Child Haus, ‘di ba? And may isa kaming patient before, she recently passed away, si Blessie.

“For a long time, nakuwento ko lang, sabi ko... si Mama kasi nandun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan kasi, when they’re sick, super bad mood, yung medyo tahimik.

“Sabi ko, ‘Ano bang paborito mo, ganyan-ganyan?’

“Tapos andun si Mama, sakto, ikinuwento ko lang sa kanya na, ‘Uy, may bagong boyfriend mommy ko.’

"Wala, no reaction pa din.

“’Ano bang paborito mong food?’

“Parang months na ‘ata na hindi siya kumakain talaga. Sabi niya, ‘Paborito ko, crabs.’

“Alam mo, agad-agad nagpadala talaga si Tito Conrad ng crabs.

"Tapos nagulat ako, the next day, ano na siya [patient], masigla na.

“So, ang sweet pa, shinare pa niya dun sa ibang kids.

"So, from that moment on, I knew that he’s a nice guy.

“I mean, konting request mo lang na ganun, ‘di ba?

"So, after that, she [Blessie] started eating again.

"And he [Conrad] would send pa food all the time just from that one kuwento."

WHERE’S ZIA? Sa kabilang banda, matagal-tagal na ring nawala sa sirkulasyon ang half-sister ni Karylle na si Zia Quizon.

Si Zia ay anak ni Zsa Zsa sa namayapang Comedy King na si Dolphy.

Unti-unti na ring umukit ng pangalan sa music industry si Zia, ngunit bigla na lang itong hindi naging aktibo sa pagkanta.

Saan na ba ngayon naka-base si Zia?

Ayon kay Karylle, “She’s on vacation actually now. She’s in Europe.”

Nagbabalak din daw si Zia na bumalik sa pag-aaral.

Balak na ba nitong mag-quit sa showbiz?

Sabi ni Karylle, “Hindi naman. Nag-iisip lang kung babalik pa sa school.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN