Jake Vargas denies neglecting manager-mentor German Moreno

Jake Vargas says he doesn't feel insecure over Kuya Germs' new talent, Prince Villanueva, because the TV host is said to be focusing his attention on the showbiz newbie.


Nilinaw ni Jake Vargas ang usap-usapang nagtatampo raw sa kanya ang manager at mentor niyang si German 'Kuya Germs' Moreno dahil hindi na umano niya nabibisita ang Master Showman dahil sa pagiging abala sa showbiz.

“A, si Kuya Germs? Si Kuya Germs, lagi kong nakakasama, sa Walang Tulugan,” mabilis na depensa ni Jake nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Buena Familia noong July 20.

Totoo bang bukod sa Walang Tulugan With The Master Showman, hindi na siya nakikita at nakakausap ni Kuya Germs?

Paglilinaw ni Jake, “Dinadalaw ko siya, pinupuntahan ko si Kuya Germs.

“Kasi minsan, tinatawagan ko siya [at tinatanong], ‘Tay, okay ka lang ba?’

“Ang sumasagot yung nurse niya, tapos ipapasa kay Kuya Germs. Nakakausap ko siya.”

NOT INSECURE. Hindi rin daw totoong nai-insecure si Jake kay Prince Villanueva, isang bagong talent ng kanyang manager, dahil mas napagtutuunan daw ito ng pansin ni Kuya Germs.

“Uy, walang ganun!” natawang sabi ng Kapuso actor.

“Yung si Prince, nakakasama ko 'yan sa Walang Tulugan. Sobrang bait nung batang yun.”

Magkaibigan daw sina Jake at Prince kaya wala rin daw dapat isyu.

“Halos lahat ng kasama ko sa Walang Tulugan, magkakaibigan kami. Walang ganun na isyu.”

Base sa obserbasyon ng iba, mas sisikat pa si Jake kung magpapaka-daring siya.

Last year nga ay sinabi niyang handa na siyang magpaka-daring ngayong 2015.

“Oo nga po, e. Pina-plan ko sa sarili ko na kailangan may bagong move naman na gagawin. Hindi yung naka-stay ka sa ganito.

“Siyempre, kailangan makita ng tao yung kakaiba naman,” pahayag ni Jake.

DRIFTING. Ang kakaibang nais gawin ni Jake ay may kinalaman sa kotse at sa pagiging drifter.

“Siguro, meron akong gustong gawin na alam ko magwo-work siya, e.

“Parang gusto ko, yung sa pagda-drive na sports, yung drifting, circuit, yung mga ganun.

“Siyempre di ba, parang makikilala ka rin ng buong bansa, o malay mo, makakapunta ako sa ibang bansa?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit iyon ang gusto niya?

“Ewan ko, parang gusto ko sa sarili ko yung ganun.

"Parang ang dating sa akin, okay siya, na nae-enjoy ko siya, nae-enjoy ko.

“Kasi kahit na delikado siya, alam ko naman safe ako, e.

“Kasi ako naman yung nagdadala.”

Ginagawa na raw niya ang drifting sa Subic.


ON SUNDAY ALL STARS. Sa kabilang banda, nagsalita rin si Jake hinggil sa nalalapit na pagtatapos ng musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Saad niya, “Sobrang nakakapanghinayang kasi ang tagal din naman.

"Nag-umpisa tayo sa SOP, tapos naging Party Pilipinas, naging Sunday All Stars.

“Kasi yung bonding namin, yung pagsasamahan namin, magkakapatid kami dun, pamilya kami, tapos bigla na lang mawawala.

“Minahal namin yung show, sobrang mahal na mahal namin yung show.”

Samantala, mapapanood si Jake sa bagong afternoon series na Buena Familia, na mapapanood simula sa Martes, July 28.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN