Janice de Belen and Priscilla Meirelles to work together in a teleserye

Magsasama sa isang teleserye ang ex-wife at current wife ng aktor na si John Estrada—sina Janice de Belen at Priscilla Meirelles. Pero tiniyak ng dalawa na walang tensiyon sa pagitan nila at nagkakausap sila kapag may pagkakataon.


Magkakasama sina Janice de Belen at Priscilla Meirelles sa teleseryeng pagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, ang Be My Lady.

Malaking balita ito dahil marami tiyak ang mag-aabang kung paano makikipagtrabaho sa isa't isa sina Janice at Priscilla.

Si Janice ay ex-wife at ama ng apat na anak ni John Estrada; habang si Priscilla naman ang present wife ng aktor kung saan mayroon na silang isang anak.

Pahayag ni Janice tungkol sa pagsasama nila ni Priscilla, “Wala naman akong problema sa ganun.

"Siguro, between the both of us, baka she might feel more uncomfortable kasi hindi naman yata siya sanay sa ganyan."

Dugtong pa ng aktres, sa panayam sa kanya ng Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN nitong Biyernes, July 24, “Okay naman kami. Hindi lang kami nagkikita nang madalas.”


WALANG INTRIGA. Sinang-ayunan naman ni Priscilla ang pahayag ni Janice.

Sabi ng Miss Earth 2004, “Walang intriga diyan.

"Dahil, of course, si Miss Janice de Belen ay someone na mabuting nanay."

Ikinuwento rin ng Brazilian beauty queen na pinag-usapan nila ni John ang pakikipagtrabaho niya sa dating asawa ng kanyang mister.

“Actually, sabi niya [John], ‘Okay ba sa 'yo?’

"Sabi ko, ‘Walang problema.’"

Inilahad pa ni Priscilla na nagkita na sila noon ni Janice sa isang event ng isang common friend.

“May instance in the past na nangyari na opportunity na kaming dalawa sa isang table ng bahay ng isang kaibigan, tapos meron iba-iba ding ladies, tapos kausap-kausap kami lang. Walang problema."

Sinabi rin nina Janice at Priscilla na kapag may pagkakataon ay nagkakausap sila, at nilinaw nilang walang tensiyon sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN