Maja Salvador reveals what kind of ending she prefers for Bridges of Love

Maja Salvador earns kudos for her acting perfromance in Bridges of Love, “Sa tulong ng writers, directors, and yung star creatives, ang galing kasi nabalanse nila... "


Tatlong linggo na lang ang nalalabi matatapos na ang Bridges of Love sa ABS-CBN.

Pinagbibidahan ito nina Maja Salvador, Paulo Avelino, at Jericho Rosales, sa direksyon nina Richard Somes at Will Fredo.

Pagkatapos nito, binabalak ni Maja na magpahinga muna pero wala pa siyang kongkretong plano sa kung paano at saan niya gugugulin ang sandaling bakasyon.

Paliwanag ni Maja, “After Bridges of Love, depende pa e kasi wedding ng kuya ko itong August 1.

“Kasi dapat July pa lang, mag-i-end na ang Bridges of Love pero na-extend nga kami kaya hindi kami puwedeng um-attend.

“‘Tapos may five days akong ibinibigay na bakasyon sa sarili ko, tignan natin.

“After noon, ratsada na naman para sa album tour.”

Hindi ba naman siya affected sa isyu tungkol sa non-singers na nagkaroon ng album o nagli-lipsync?

“No comment na po ako diyan.”

Nakapanayam nang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja matapos ang presscon proper ng serye noong June 23 sa 9501 resto sa ELJ Building.

HALF-SIBLINGS. Pagdating naman sa kanyang mga half-siblings, puring-puri siya sa nag-aartista na rin niyang half-sister na si Jessy Salvador.

Anak si Maja ng yumaong aktor na si Ross Rival na kapatid ni Philip Salvador.

Balik kay Jessy, naikuwento nito sa press na suportado siya at ang isa pa nilang kapatid na pumasok sa modeling ni Maja.

Tinanong ng PEP si Maja tungkol sa kanyang closeness sa mga half-sisters niya.

“Yun ang maganda sa tatay namin, tinuruan niya kaming magmalasakit at magmahal sa isa’t-isa.

“Kapatid ko sila, ang importante… isa 'yan sa kayamanan mo, e.

“Pamilya mo pa rin kahit hindi kayo nakatira sa iisang bubong, ‘di ba, kadugo mo ‘yan?

“Isa yan sa kayamanang iniwan sa iyo ng tatay mo, so pahalagahan mo.”

Paano niya sila gina-guide kahit hindi niya sila madalas nakakasama?

“Nagti-text naman kami, yesterday dinalaw nila ako sa taping, sumaglit sila bago sila pumasok sa school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hangga’t kaya, kahit hindi nagkikita basta’t may communication at nagkakaintindihan kayong magkakapatid at walang issue sa inyong magkakapatid, yun ang mahalaga sa akin.

“In fairness, lahat po ng kapatid ko na hindi ko sila kasama sa bahay, sobrang ang babait.

“Sobrang iniintindi nila ako kahit wala akong oras sa kanila, sobrang suporta pa rin nila sa akin.”

CHALLENGING. Base sa feedback tungkol sa acting performance ni Maja, naitawid raw nito ang kanyang karakter sa Bridges of Love kahit mahirap ang papel na ginampanan niya sa kuwento.

Maituturing ba ni Maja na ito ang pinaka-challenging role na ginampanan niya?

“Yes, kasi ang hirap pumagitna, e. Ang hirap palang pa-in-love-in yung audience na kanino ako mapupunta, yun gano'n.

“Sa tulong ng writers, directors, and yung star creatives, ang galing kasi nabalanse nila...may team Jericho, may team Paulo din.

“So I’m very happy na ibinigay sa akin ito ng Star Creatives after ng Legal Wife

"Ang laki ng bawi na grabe yung paga-alagang ibinigay nila sa akin.”

Saan niya gustong magtapos ang kuwento—sa pamilya o sa love story?

Matamang nag-isip muna si Maja, “Siyempre kung para sa akin ang inuuna muna dapat pamilya.

“At dapat maging buo yung pagmamahal mo sa sarili mo dahil pagkatapos no'n, kaya mong magmahal ng kahit sinong tao.”

Tanong ng writer na ito: bakit parang hindi siya nauubusan ng husay?

“Saang husay? Sa acting? Kasi iba-iba naman yung pinagdaanan ng characters, hindi naman pare-parehas.”

Sa character niya bilang si Nicole at Mia, kanino siya mas naka-relate?

“Parehas akong na-in love talaga sa kanila, never akong may mapipili sa kanila.

“Kasi iba yung tulong sa akin ni Nicole at iba rin yung naitulong nung Mia sa akin.

“Parang magkaiba sila ng values na naibigay, hindi sa nakaka-relate, e.

“Puwede mong sabihin na puwedeng mangyari ito hindi lang sa iyo kundi pati sa mga manonood.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN