Jerald Napoles to pit comedic talent against Jose Manalo and Wally Bayola in new GMA show: "Sa kaguwapuhan nila ako nape-pressure!"

Jerald Napoles is not looking for new love after ending a two-year relationship. But he is being teased to Rak of Aegis co-star Aicelle Santos, “Sabi ko nga ‘Aicelle mag-ingat-ingat ka sa akin. Ako, hindi ako nanlililigaw, hinahayaan ko lang ma-develop.’ Natatawa lang siya."


Totoong apelyido ni Jerald Napoles ang Napoles pero hindi raw siya related sa mister ng diumano'y pork-barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

“Hindi, hindi, wish ko nga lang e,” at tumawa si Jerald.

Gaano siya kasigurado na hindi niya kamag-anak ang mga nabanggit?

“Sabi ng tatay ko, ‘Si Janet kasi is not a Napoles, Lim siya. Yung asawa niya, malayo nating pinsan, yung asawa niya.’”

Hindi ba ni-research ni Jerald?

“Hindi, e. Actually gusto kong i-research para magkaroon [ng koneksiyon] pero hindi na.”

Frozen naman na yata ang mga kayamanan ng mga Napoles?

“Yun nga kaya hindi ko na ni-research na,” at tumawa si Jerald.

Nakausap namin si Jerald noong Martes, July 21, sa Victorino’s restaurant sa Quezon City.

SOMETHING? Single si Jerald at binibiro raw niya ang co-star sa Rak of Aegis na si Aicelle Santos.

“Niloloko nga nila ako, ‘Meron ba kayong something?’

“Sabi ko nga kay Aicelle, ‘Aicelle, mag-ingat-ingat ka sa akin. Ako, hindi ako nanlililigaw, hinahayaan ko lang ma-develop.’

“Natatawa lang siya, alam naman niyang hindi ako seryoso.”

Wala siyang girlfriend, pero kagagaling lang raw niya from a two-year relationship.

“Trabaho muna.”

Kasama si Jerald sa bagong Sunday show ng GMA, ang Sunday PINASaya, na magiging kapalit ng Sunday All Stars na magtatapos na sa August 2.

Biniro namin si Jerald na dahil sa kanya at sa show nila ay maraming mawawalan ng trabaho, ang mga artists ng SAS.

“Oo nga, e! Parang nakausap ko rin si Aicelle [na nasa SAS], sabi niya, ‘Oo nga, kaso ang daming mawawalan ng trabaho.’

“E, hindi ko naman din kasalanan yun, ‘di ba?

“‘Tapos yung produksyon ng GMA at APT [Entertainment, Inc.], natuwa sa akin at comedy yung pinakakonsepto so sinama ako.

“Pero siyempre kung puwede sanang yung ibang kasama sa Sunday All Stars, kahit guesting man lang.

"Or the staff na nagtatrabaho dun e makasama sa amin, e, 'di masaya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALA SATURDAY NIGHT LIVE. Nasa Sunday PINASaya rin sina Marian Rivera, Alden Richards, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Jose Manalo, Wally Bayola, Valeen Montenegro, Joey Paras, at si Ai Ai delas Alas.

Sa August 9 ang airing ng show, at mala-Saturday Night Live raw ang konsepto nito.

“Yung comedy-variety show, yung ganun,” ayon kay Jerald.

May kantahan at sayawan rin daw, “Siguro mga 20 percent nung buong produksyon, may production number."

“Pero mostly monologues, skits, sitcom, ganun.”

Sa tingin ba ni Jerald ay handa na ang Pinoy audience sa isang mala-SNL na programa.

“Medyo, sa tingin ko kailangang ma-introduce ito nang tama sa kanila.

“Kasi for 20 years, ASAP and SOP, SAS, yung concert-type, e.

“Pero sa tingin ko, it’s a brave effort for GMA na i-introduce ang comedy sa Linggo.

“Puwede naman, e. Nakatengga ang tao sa bahay pag Linggo, 'di ba?

“So kung kakagatin yung Sunday PINASaya, it means na okay na sila.

"Hindi naman sawa, pero okay na sila dun sa concert-type variety show tuwing Linggo."

A FAN. Makikipagtagisan siya ng pagpapatawa kina Jose at Wally na established comedy performers na. Biniro namin si Jerald na mas magaling ba siya sa dalawa?

“Ah, hindi! Si Kuya Jose, fan na ako dati niyan, e, bago ko pa naging bestfriend yung anak niya.

“Si Nicco Manalo, sinasabi ko na kay Nicco, ‘Naku fan ako ng tatay mo!’

“Halos parehas nga kami ng comedy ni Kuya Jose kasi parehas kaming batang-Tondo.

“So yung mga kalokohan namin sa kanto parang nadadala namin.”

PRESSURE. Aminado si Jerald na may pressure sa kanya na makasama ang comic duo.

“Oo,” at sa kaguwapuhan ay maglalaban naman sila ni Alden, pagbibiro pa namin kay Jerald.

“Oo! Actually yung sa kaguwapuhan, hindi ako nape-pressure, hindi ako nape-pressure kay Alden.”

Kina Jose at Wally?

“Doon, sa kaguwapuhan nila ako nape-pressure!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa galing, nakaka-pressure talaga, kasi yung Ms. Ai Ai lang e institusyon na rin sa komedya ng Pilipinas.

“Ang maganda dito, ang iniisip ko na lang dito pag kasama mo sila, hands down may matututunan ka.


“Since mabilis din naman akong matuto, makakasabay at makakasabay ako.

“Pero sa kaguwapuhan ni Alden, sana makasabay siya sa akin, sana makasabay siya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN