Enchong Dee on Rhap Salazar's controversial non-singer/lip synch statement: “May kanya-kanya tayong opinyon, let it be”

Enchong Dee on Rhap Salazar's controversial statement about non-singers: “Ako, freedom of speech. Let it be. Tulad nga ng sinabi ni Tito Boy [Abunda], we all have our choice, there are opportunities na darating sa iyo. Kung ano ang gusto ng puso mo, ibigay natin.”


Isa si Enchong Dee sa sinasabi ng ilang netizens na tiyak na tinamaan sa tweets ni Rhap Salazar tungkol sa pagli-lip synch ng ilan sa mga artista at non-singers na nagku-concert at nagkaka-album.

Katatapos lang ng concert niya sa Music Museum last July 3 and July 10 at nung June 12 naman ay nag-platinum na ang self-titled album ni Enchong.


TO EACH TO HIS OWN. Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksyon ang aktor kamakailan sa naging pahayag na ito ng singer, kampante kaming sinagot ni Enchong na bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon at dapat na irespeto ito.

“Ako, freedom of speech, may kanya-kanya tayong opinyon, let it be.

“Tulad nga ng sinabi ni Tito Boy [Abunda], we all have our choice, there are opportunities na darating sa iyo. Kung ano ang gusto ng puso mo, ibigay natin,” paliwanag niya.

Hindi rin sinang-ayunan ni Enchong ang paratang ng iba na ang mga tulad daw nilang non-singers na nabibigyan ng album at concerts ang dahilan kung bakit namamatay ang OPM [original Pilipino music] sa ngayon.

Pahayag ni Enchong, “I disagree, siguro kung ibabase natin yun sa number of people who are buying albums. Halos every week may nabibigyan ng award, so ibig sabihin may mga bumibili.”

ANXIOUS ABOUT ENTERING PBB HOUSE. Hanggang sa ngayon ay inaabangan pa rin ng marami ang pagpasok ni Enchong sa Pinoy Big Brother [PBB] house bilang isa sa guest housemates na pagdadaanan ng halos lahat ng hosts ng naturang show. Agad naming tinanong kung may definite day na kung kailan talaga papasok si Enchong sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Isa pa yun, 'di ko rin alam.

“Actually, walang nakakaalam, ayaw nilang sabihin sa akin pero sa sobrang kaba ko nung last Friday, first eviction night ko, it’s the third eviction night but it’s my first of being part of the entire hosting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinabahan ako sobra hanggang umabot nga sa point na inere nila na naglalagay ako ng tissue sa kili-kili sa sobrang kaba. Okay, naniniwala na talaga ako na sa PBB, hindi edited yung pinapakita nila.

“Hindi nila sinasabi sa akin at hindi nila sinasabi kung gaano katagal.

“Kasi katulad din ng lahat ng hosts, walang may alam ng ibig sabihin ng 737, wala rin akong alam, kaya dapat ready ka lang talaga sa mga puwedeng mangyari,” dagdag ni Enchong.

Naging tapat naman si Enchong sa pag-amin dati na hindi bukal sa loob niya kung saka-sakaling papasok na siya sa bahay ni Kuya bilang isa sa guest housemate dito.

Sabi sa amin ni Enchong na ang mga maiiwanan niyang commitments at trabaho ang rason kung bakit siya may pagdadalawang-isip.

“Yung apprehensions ko kasi nanggagaling sa commitments. Mayroon akong kailangan na attend-an na mga look tests sa mga pelikula.

“It’s not like I don’t like being part of PBB. I’m willing to be part of the housemates pero yun lang, alam kong may mga responsiblidad pa ako dito sa outside world.

“'Di naman maluwag na maluwag, pero umoo kasi akong dalawang pelikula na gagawin. So alam mo na ito yung prayoridad mo sa ngayon, pero kasama yun sa requirement sa PBB and I’m willing to take the challenge,” diin niya.

Kasisimula pa lang ng PBB 737 ay inulan na ito ng katakut-takot na mga intriga. Ilan na rin ang pagbibigay kulay sa closeness nila Bailey at Kenzo, at iba pang isyu na sangkot ang mga PBB housemates. Depensa naman ni Enchong, pinapakita lang ng nasabing reality program ang mukha ng mga makabagong kabataang Pinoy.

“Bottomline, ang PBB, pinapakita kung ano ang reflection ng kabataang Pinoy ngayon. Let’s be honest, it’s the reality.”

TOP-RATING TV SHOW. Mataas din ang ratings ng pinagbibidahang show sa ngayon ni Enchong kasama si Richard Yap, ang Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito. Aminado ang aktor na hindi niya akalain na ganito kainit tatanggapin ng publiko ang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hayun din, masayang-masaya ako dun. 'Di ko akalain na magiging ganun ang ratings nun kasi before 20 plus. 'Di ko akalain nagme-maintain siya ng 30 plus.

“Sabi ko nga, nakakatuwa kasi yung mga bata kilala ako, nagpapa-picture. Sarap sa feeling, sobrang nakakatuwa,” masaya niyang lahad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN