Mahal, Kuya Germs mourn death of Jimboy Salazar

"Hindi ko kaya ang nangyaring 'yon... hindi ko akalain na mawawala si Jimboy ngayon," says Mahal about the death of her ex-boyfriend Jimboy Salazar.


Labis ang pag-iyak ni Mahal habang inaalala ang kanyang yumaong ex-boyfriend na si Jimboy Salazar.

Pumanaw si Jimboy kahapon, July 23, dahil sa sakit na pneumonia. Siya ay 42 years old.

Sabi ni Mahal sa panayam sa kanya ng Startalk na ipinalabas kanina, July 25, “Hindi ako makapaniwala, alam ko pupunta pa kami diyan, gusto kong pumunta. Pupunta kami, hinihintay naming gumaling.”

Mensahe pa niya sa yumaong singer, "Salamat sa pag-aalalaga mo at sa pagbili mo ng pasalubong. And sana...”

Hindi na natapos ni Mahal ang kanyang sasabihin dahil hindi na niya napigilan ang pag-iyak.

Pero patuloy niya, "Hindi ko kaya ang nangyaring 'yon... hindi ko akalain na mawawala si Jimboy ngayon.

"Sana natanggap mo na si Jesus Christ, salamat sa pag-alaga."

Katulad ni Mahal, nagdadalamhati rin si German "Kuya Germs" Moreno sa pagkamatay ng dating miyembro ng That's Entertainment.

Sa hiwalay na panayam ng Startalk, sinabi ng veteran TV host, “Nung napalathala na may karamdaman at nangangayayat na [si Jimboy], nalungkot ako.

"Hanggang sa may balita na sumakabilang-buhay na."

Panalangin ni Kuya Germs, “Sa ating Panginoon, nawa'y tanggapin Ninyo sa kalangitan ang aking anak-anakan na si Jimboy. God bless you.”

Nakaburol ang mga labi ni Jimboy sa San Pedro Chapel sa San Miguel, Bulacan.

Sa Martes, July 28, itinakda ang kanyang libing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN