Liza Soberano and brother undergo baptism, confirmation, and first communion in Christian ceremony

Liza Soberano (center), together with her 16-year-old brother Justin David Soberano, was administered baptismal, confirmation, and first communion rites in a ceremony attended by their family and close friends last July 24 at the Nuestra Señora De La Paz y Buen Viaje Parish in Old Balara, Quezon City.


Isang eksklusibong pagtitipon ang naganap sa pamilyang Soberano, mga kamag-anak, at mga kaibigan nito noong Biyernes, July 24, ganap na ika-8:30 ng umaga.

Ito ay ang binyag, kumpil, at first communion ng isa sa pinasikat na teen stars ngayon na si Liza Soberano, 17, na ang tunay na pangalan ay Hope Elizabeth Soberano.

Kasabay na bininyagan at kinumpilan ang kanyang kapatid na si Justin David, 16.

Ginanap ang nasabing “three-in-one” celebration sa Nuestra Señora De La Paz y Buen Viaje Parish sa Old Balara, Quezon City.


CELEBRITY GUESTS. Ilan sa celebrities na namataan ng aming source ay sina Enrique Gil at Joey Marquez.

Si Enrique ay ang kasaluyang ka-loveteam ni Liza, samantalang si Joey naman ay ang “Papang” ni Liza sa nagwakas nang teleserye na Forevermore.

Punong-abala raw ang ama ni Liza na si John Soberano, na hanggang sa reception na ginanap sa Victorino's sa Quezon City ay inistima nang maayos ang kanilang mga bisita.

Masaya raw ito dahil tunay na Kristiyano na ang kanyang mga anak para mas lalo pa itong mapalapit at mas maging maganda ang relasyon ng mga ito sa Diyos.

Masaya rin si Liza dahil sa pagdalo ni Enrique at ilang close friends na madalas nitong kakuwentuhan sa reception.


REASON FOR DEFERRED CHRISTIAN RITES. Sa mga nagtataka kung bakit ngayon lang nabinyagan, nakumpilan, at nag-first communion ang magkapatid ay walang masabing dahilan ang aming kausap.

Ang sabi lang niya, “Si Jesus nga, 30 years old na nang mabinyagan, 'di ba?”

Anyway, welcome to the Christian world, Liza and Justin David!

Heto pa ang ilang litratong ibinahagi sa amin ng aming source:

Enrique Gil (wearing checkered shirt) was one of the celebrity guests.

Joey Marquez (in dark shirt) was also present.

Liza was happy and thankful for the presence of her loveteam partner Enrique Gil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN