Ai-Ai delas Alas slams bashers questioning her motive in helping Jiro Manio

Ai-Ai delas Alas amused by speculations that she is allegedly using Jiro Manio's condition to gain popularity: “Pati pagtulong ko, bibinigyan nila ng isyu. Sabi nga nila, damned if you do, damned if you don’t. Unang-una, sinasabi nila na, tumutulong ako dahil gusto kong magpasikat? Hello? Dyusko, magpaandar lang ako ng outfit ko, sikat na ako, e! Dadaanin ko pa ba doon?”


Nakatakdang pumunta ng Japan si Ai-Ai delas Alas sa susunod na buwan, pero hindi para dalhin doon ang kanyang anak-anakan na si Jiro Manio.

Bakasyon daw ang dahilan ng pagpunta ng Philippine Queen of Comedy sa Japan.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noon pa ‘to. Matagal nang bakasyon ‘to pero hindi natuloy.

“Ngayon lang matutuloy kasama ko yung mga tao ko.

“Pero pinahanap ko talaga ang father niya [Jiro] kahit nandito ako.

“Inayos ko na yun. Pangako ko sa kanya yun.

“Sabi ko, ‘Anak, pagaling ka, kasi pupunta tayo sa Japan.’

“Alam ko kung saan nakatira,” pagtukoy pa ni Ai-Ai sa Japanese father ni Jiro.

Alam na ni Jiro ang tungkol dito?

Sabi ni Ai-Ai, “Hindi ko pa pinapaalam. Huwag muna.

“‘Tsaka kasi, una, hindi pa naman natin alam kung kailan lalabas si Jiro, e.

“Baka mamaya magulo pa ang pamilya, e, hindi pa naman lumalabas yung alaga ko.”

Totoo bang ayaw raw makita ng Japanese dad niya si Jiro?

Paglilinaw ni Ai-Ai, “Hindi naman. Hindi pa naman din.

“Pero i-wish natin na tanggapin man lang siya or kausapin.

“Yun lang naman ang gusto ni Jiro, e, makita siya at kausapin.

“Pero ngayon pa lang, inaano ko na siya na… hinahanda ko na siya na, ‘Anak, ganito ‘yan, ha, kapag magaling ka na, dadalhin kita sa Japan.

“’Pero doon, huwag sasama ang loob mo kung ano yung makikita natin, kung ano ang mae-experience natin. Basta gusto ko lang happy ka.’

“At ayun, para may closure.

“Kasi hangga’t wala yung closure, hindi titigil yun.”

JIRO’S CONDITION. Last week, dinalaw ni Ai-Ai si Jiro sa unang pagkakataon pagkatapos pumasok ng young actor sa rehab.

Mag-iisang buwan na si Jiro sa loob ng rehab.

Kumusta na ang kalagayan ni Jiro ngayon?

“He’s okey naman,” sabi ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naa-appreciate ba ni Jiro ang mga ginagawa niya at concern ng iba pang kakilala siya?

Ayon sa Kapuso star, “Hindi naman niya alam yung concern ng lahat ng tao, e. Pero alam niya na concern ako.

“Sinasabi ko sa kanya, ‘Anak, yung mga fans mo nag-aalala sa ‘yo. Lahat ng prayers, ibinibigay nila sa ‘yo.’

“Sabi ko, ‘Nak, pagaling ka na.’

“‘Oo,’ sabi niya.

“Tapos sabi pa niya, ‘Uwi na ba ako?’

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi pa, Anak. Konting-konti na lang. Konting-konti na lang.’

“Sabi ko, ‘Tulungan mo ang sarili mo para madali na tayong makauwi.’

“Tapos umoo siya.”

A man of few words talaga si Jiro?

“Oo,” sambit ni Ai-Ai. “At saka siguro ayaw na niyang masyadong complicated. Ayaw na niyang mag-isip.”

Ano talaga ang finding ng doctor kay Jiro?

“Depression, extreme,” malungkot na sabi ni Ai-Ai.

Maayos naman si Jiro kapag kausap?

“Nakakakilala pero may lapses.”

Hindi kaya may selective amnesia si Jiro?

“Malamang, oo, may ganoon. Kapag ayaw niya, kinakalimutan niya yung istorya, e.”


AGAINST JIRO’S WILL. Totoo bang hindi gusto ni Jiro ang pagkakapasok niya sa rehab?

“Wala namang may gustong nire-rehab sila, e,” medyo natawang sabi ni Ai-Ai.

“Oo, yun din ang sinabi ng doctor… ‘Alam mo kung ano ang pinakamaganda kay Jiro? Hindi siya nagre-resist at hindi siya ini-injection-an noong pumasok siya rito,’ sabi ni Doktora.

“Usually, ang mga pumapasok doon, ini-injection-an. Kasi nga, nagwawala.

“Siya payapa, so gusto niyang tulungan ang sarili niya. That’s a good sign.”

Patuloy ng Let The Love Begin actress, “Maraming haka-haka kasi, e… yun ngang pagkamatay niya, haka-haka din yun.

“Hindi ko alam, dyusko, ha, sa pinagdaanan nung bata, meron pa silang karapatan na ibalita yung ganyan [na namatay na raw].

“Ang mean naman ng mga tao ngayon. Pasama nang pasama!”

HELPING JIRO. Maging ang pagtulong nga raw niya ay nilalagyan ng kulay ng ilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati pagtulong ko, bibinigyan nila ng isyu.

“Sabi nga nila, damned if you do, damned if you don’t.

“Unang-una, sinasabi nila na, tumutulong ako dahil gusto kong magpasikat?

“Hello? Dyusko, magpaandar lang ako ng outfit ko, sikat na ako, e! Dadaanin ko pa ba doon?”

Diin ni Ai-Ai, “Malaking responsibilidad si Jiro, baka hindi nila alam yun. ‘Tsaka kailangang akuin ko na anak ko siya.”

Nagkasama sina Ai-Ai at Jiro sa movie franchise ng Star Cinema na Ang Tanging Ina, kung saan gumanap silang mag-ina.

Ano ang wish niya for Jiro?

Sagot ni Ai-Ai, “Na maging happy human being siya na.

“Yung desire ng heart niya, desire ng buhay niya, yung pinag-uugatan kung bakit siya nadi-depress, gusto kong gumaling siya.

“Gusto kong ibigay sa kanya kung ano yung makakapagpasaya sa kanya.

“Gusto kong makita niya ang daddy niyang Hapon.”

Hanggang kailan si Jiro sa rehab?

“Mga three or four months pa kailangan nandoon siya.”

Ayon kina Marvin Agustin at Direk Wenn Deramas, kailangang magsimula kay Jiro ang pagbabago.

Ano ang reaksyon ni Ai-Ai dito?

“A, si Marvin kausap ko naman parati.

“E, nag-promise naman siya sa akin, ‘Ma, tutulungan ko si Jiro.’”

Nag-share ba si Marvin financially sa pagpapa-rehab ni Jiro?

Sagot ni Ai-Ai, “Hindi, pero prinomise niya yung paglabas ni Jiro.

“Yun talaga iprinomise niya sa akin at, yun, inuulit-ulit ko sa kanya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Nak, huwag mong kalimutan ang kapatid mo, ha.’”

Nagbigay rin ba ng tulong ang iba pang “kapatid” ni Jiro Ang Tanging Ina movies, gaya ni Heart Evangelista?

“Oo, nagbigay siya ng pera para sa rehab ni Jiro.

“Si ano… nangangamusta si Carlo[Aquino]. Gustung-gusto rin niyang magbigay ng pera.”

How expensive is the treatment?

“A month? Nasa more or less P60K a month. Four months pa siya doon kailangan, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May iba pa bang nagbigay ng tulong for Jiro?

“Ay, tumulong si Tita Gina [Pareño], si Lorna Tolentino, si Heart nagbigay.

“Nagbibigay naman sila, pero hindi ako yung lumalapit sa kanila para manghingi.

“Gusto ko kusa silang magbigay. Nahihiya naman akong manghingi.

“Baka may marinig pa ako na hindi maganda. Baka sabihin pa bini-business ko si Jiro, huh.

“Ay, doon talaga baka makapagmura na ako sa telebisyon!” sabi ni Ai-Ai.

PLANS FOR JIRO. Ano ang plano niya kay Jiro paglabas ng rehab? Napag-usapan na ba nila ang tungkol dito?

Ayon kay Ai-Ai, “Siyempre ikukuha ko siya ng house. Tapos, dadalhin ko siya sa Japan.”

Babalik ba sa showbiz si Jiro?

“Hindi natin alam. Yung pag-aartista, marami naman ang kumukuha sa kanya.

“Pero sa ngayon, hindi ko pa madesisyunan yun kasi too early, e.”

Nakita ba niyang may interes pa si Jiro na mag-artista ulit?

“Ayaw na niya, e. Ayaw mag-artista, as of now.

“Tingnan natin after couple of months. Tingnan muna natin kung ano ang sasabihin ng doktor, kung papayag yung doktor.

“Pero kung makakasama kay Jiro, huwag na lang.

“Kung gusto niya mag-aral, kung kaya, e, di sige.”

Totoo ba na siya ang nagbabayad ng tinitirhan ng kapatid ni Jiro na si Anjo?

Pagkumpirma ni Ai-Ai, “Oo, meron siyang room na kinuha rin.

“E, kasi yun ang kasama niya. Hindi na rin umuuwi sa kanila. Wala namang trabaho.

“Si Jiro, kapatid niya si Anjo sa mother. Iba ang ama ni Anjo.

“Yung father ni Anjo, Pilipino na meron na ring family.

“Bata pa sila, si Andrew [Manio, Jiro’s foster dad], yun na ang nag-alaga sa kanila—si Jiro at si Anjo.

“Kasi ang mommy nila, pumunta ng Japan. Tapos ang mommy nila, nag-asawa sa tatay ni Anjo.”

Siya rin ba ang naghanap ng trabaho para kay Anjo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, yung trabaho naman, si Lito [Alejandria, Zirkoh Comedy Bar owner] ang nag-offer, yung friend ko.

“Inilapit ko siya kay Lito.

“Okey naman, sabi ko tulungan naman natin para may trabaho yung bata.

“Saka para meron din siyang pambayad ng kuryente, pang-buhay-buhay niya every day.

“Room lang naman yung akin, siya na lahat. Kasi nagwu-work siya.

“Kailangan niyang mag-work. Wala siyang sakit.”

Masasabi ba niyang for lifetime na itong pagtulong niya kay Jiro?

Natatawang sabi ni Ai-Ai, “Lifetime Achievement Award!

“Ina Montecillo Lifetime Achievement Award goes to Shamee [pangalan ng karakter ni Jiro sa Ang Tanging Ina], ganoon?

“Shamee award.... nakakaloka!

“Well, hayaan na natin. Ganoon talaga.

“Ako, masaya ako, kasi at least, di ba, pagharap ko sa Panginoon, meron akong masasabi na, ‘Marami naman po akong nagawa bilang anak Ninyo. Meron akong naalagaan na anak Ninyo rin. So, bigyan Ninyo naman ako ng ganda points,’” birong pagtatapos ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN