Dingdong Dantes active in earthquake preparedness campaign

Dingdong Dantes on persistent rumors that he will run in 2016: "Klaro naman yung mga goals ko, klaro naman siya ngayon. At ang mahalaga, yung trabaho sa GMA at sa NYC, at saka yung pagiging husband and father. Balita ko, hindi raw ganun kadali ang pagiging daddy!”


Bukod sa kanyang showbiz career, mga negosyo, at bilang family man, abala rin si Dingdong Dantes ngayon bilang commissioner at-large ng National Youth Commission (NYC).



Noong nakaraang weekend lamang ay nagsagawa sila ng MMDA NYC DRR Youth Responders’ Mass Training, in partnership with Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine State College of Aeronautics (PhilSca), sa Villamor Airbase.

Dalawang araw ang training na iyon na ang layunin nila sa NYC ay maging malalim ang partisipasyon ng mga kabataan sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) efforts ng gobyerno.

Nilinaw ni Dingdong na hindi pa yun ang malawakang earthquake drill.

“Yung buong drill, mangyayari ‘yan sa July 30, buong Metro Manila yun.

“Partner din ang NYC dun, 10:30 A.M. mangyayari at magkakaroon ng evening earthquake drill sa Ortigas, 8 P.M.

“Kailangan i-assume mo na walang kuryente, brownout, no communication line.

“Kung nasa school ka ng ganung oras, dapat lahat ng school, gagawin yun.

"Kung nasa office, dapat yung building niyo will do it too.

“Assuming zero talaga.”

Sa palagay niya, nakahanda na nga ba ang buong Kamaynilaan sa sinasabing 7.5 magnitude earthquake na posibleng maranasan natin?

Tugon ni Dingdong, “Well, I cannot say na 100 percent prepared, but of course it’s good to know the basic.

“Hindi mo naman ma-predict yung numbers... sinasabing thirty-six to thirty-seven thousand in the first hour ang deaths, so hindi mo naman masabi.

“Siyempre yung mga basic na paghahanda, kung ano ang puwedeng gawin, kaya magandang may awareness campaign.

“It could happen from now until probably the end of our generation. Nag-uumpisa na kumbaga.”

NYC TERM. Ang termino naman daw ni Dingdong sa NYC ay hanggang 2017 pa.

Pero nabanggit niya noon na posible siyang umalis na rin kapag iba na ang nakaupo sa Malacañang.

“Depende kung sino ang susunod, kung may appointing power at pupuwedeng mag-reappoint ng iba or pupuwede rin kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa na lang si Dingdong nang muling tanungin tungkol sa balitang tatakbo raw siya sa 2016 elections.

“Buti pa sila alam nila, ako, father, Pari ‘Koy,” nakangiti niyang sabi.

Hindi ba siya nahihirapang tumanggi sa mga nag-aalok sa kanyang tumakbo?

Sagot ni Dingdong, “Hindi naman po, klaro naman yung mga goals ko, klaro naman siya ngayon.

“At ang mahalaga, yung trabaho sa GMA at sa NYC, at saka yung pagiging husband and father.

“Balita ko, hindi raw ganun kadali ang pagiging daddy!” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN