Richard Gomez says Bea Alonzo is enjoying her "single life"

“The way si Bea now, she’s doing well and she’s happy with her friends. Lumalabas siya, nag-e-enjoy siya,” says Richard Gomez when asked about his observation on The Love Affair co-star Bea Alonzo, who is rumored to have broken up with Zanjoe Marudo.


Kinumpirma ng aktor na si Richard Gomez ang pagiging “single” ngayon ng co-star niya sa pelikulang The Love Affair na si Bea Alonzo.

Ilang linggo nang usap-usapan ang balitang hiwalayan ni Bea at ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo.

Sa isang panayam ay inamin ni Bea na may pinagdadaanan ang relasyon nila ni Zanjoe, ngunit inaayos naman daw nila ito.

Read: Bea Alonzo admits problem in her relationship with boyfriend Zanjoe Marudo

Ito ay sa kabila ng lumabas na larawan nina Bea at Zanjoe na tila sweet sa isa’t isa habang nasa London.

Read: Bea Alonzo and Zanjoe Marudo spotted getting cozy in London despite recent relationship problem

Kagabi, July 29, pagkatapos ng presscon proper ng The Love Affair sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard.

Tinanong namin siya kung napansin ba niyang may pinagdadaanan si Bea habang ginagawa nila ang kanilang pelikula.

Tugon ni Richard, “Sa kuwentuhan namin, naririnig ko lang yung kuwento-kuwento nila.

“Pero kung anuman yun, siguro yung iba lumabas na rin sa diyaryo at…

“The way si Bea now, she’s doing well and she’s happy with her friends.

“Lumalabas siya, nag-e-enjoy siya.”

Dagdag pa ng aktor, “Tingin ko, ini-explore niya yung single life niya.”

Ano ang ibibigay niyang payo kay Bea sa pinagdadaanan nito ngayon?

“Ay, kapag humingi siya ng love advice sa akin, marami akong mabibigay sa kanya,” nakangiting tugon ni Richard.

Ipapayo ba niya kay Bea na pumili ng lalaking hindi taga-showbiz?

Sagot ni Richard, “Alam mo, ang hirap kasi nung... lalo na sa babae, na yung magiging asawa mo, hindi taga-showbiz.

“Ang hirap intindihin yung nakikipaghalikan ka sa ibang artista, e, may asawa ka.

“Mahirap yun. Mahirap i-digest. Mahirap ipaliwanag yun.

“Sa part naman ni Lucy [Torres-Gomez, Richard’s wife] at ako, kasi ako naman yung lalaki, naiintindihan talaga ng asawa ko yung trabaho na ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And she loves watching my movies.

“She’s the number one fan ng loveteam namin ni Dawn, e, di ba?” pagtukoy ng aktor sa co-star nila ni Bea sa The Love Affair na si Dawn Zulueta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN