Enrique Gil sees Liza Soberano as his future wife: “Siya na ang nakikita ko, siya talaga.”

Enrique Gil on status of relationship with Liza Soberano: “Hindi pa kami. Hindi pa siya 18. Pero kahit walang label, parang hindi ako puwedeng mag-text ng ibang babae, siya din."


Nakita na raw ni Enrique Gil sa kaparehang si Liza Soberano ang mga katangian ng babaeng gusto niyang pakasalan.

Kaya naman sa isang panayam niya sa Aquino and Abunda Tonight kamakailan ay sinabi niyang kasal na lang ang kulang sa kanila ni Liza.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enrique tungkol dito nang makausap namin siya sa pictorial para sa 23rd anniversary ng Star Magic.

Pahayag ng 23-year-old actor, “Well, para sa akin, yun na lang ang kulang.

"Siya na ang nakikita ko, siya lang, siya talaga, siya pa lang."

Ngunit paglilinaw ni Enrique, “Hindi pa kami. Hindi pa siya 18 [years old].

"Pero kahit walang label, parang hindi ako puwedeng mag-text ng ibang babae, siya din.

"Alam mo naman pag may something, 'I like you, I like you too.'”

Mahal na ba talaga ni Enrique si Liza?

Tugon ng binata, "Oo, siyempre naman!

"Inamin ko ilang beses na, sa GGV [Gandang Gabi Vice] nga. Tatlong beses kong sinabi."

Sa estado ng relasyon nila ni Liza ngayon, gumigimik pa ba si Enrique kasama ng iba?

Aniya, “Gumigimik ako pero isang beses lang. Sa Pool Club.

"First time kong pumunta with friends. Mabilis lang, umuwi na.

“Alam niya [Liza]. sinabi ko.

"With friends naman saka kasama ko ang kapatid ko.

"Saka trust... all about trust."


DAD’S APPROVAL. May lumabas na isyung hindi pa rin daw kampante ang ama ni Liza sa nakikitang sobrang closeness at sweetness ng anak at ni Enrique.

Ayon naman kay Enrique, naayos na nila ang maliit na problema niya sa ama ni Liza.

“Well, hindi naman. Pag magkasama naman kami, okay naman siya.

"Siyempre, tatay pa rin yun. Kahit ano ang mangyari, anak niya ang babae.

"So, kahit papaano, may sinasabi na basta huwag lang kalokohan.

"Sinabi ko, ‘Yes, Tito.’”

Dagdag ni Enrique, “Nung una medyo hindi siya okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ngayon, okay na, kasi siyempre hindi siya sanay na tumatanda na yung anak niya. Nabibigla.

"Pero ngayon, nag-usap sila ni Liza. Parang, 'Oo nga, sige.'

"Magkasama kami nung Chris Brown concert."


LIZA’S LOLO CALLS ENRIQUE ‘MANUGANG.’ Nang magpunta sina Liza at Enrique sa Amerika para sa promo ng pelikula nilang Just The Way You Are, nakilala nang personal ng aktor ang pamilya ng kapareha.

Tinawag pa nga raw ng lolo ni Liza si Enrique na ‘manugang.’

Kuwento ni Emrique, “Yung lolo, tatay ng tatay ni Liza sa States, sabi niya, ‘Uy, manugang!’

"Sabi ko, 'Ay, talaga?!"

“Natuwa ako kasi super close ako sa mom side niya sa States. Sobrang vibes kami.

“Since this year, nagpe-Facetime na kami.

"Pagpunta ko dun, sobrang vibes, parang barkada, love namin ang isa’t isa.

“Yung father niya, hindi ko pa talaga naka-bonding.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN