Dingdong Dantes, politicians react to President Noynoy Aquino’s last SONA

Mahaba man ang naging talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino para sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), marami naman ang pumuri dahil sa accomplishments niya sa loob ng kanyang limang taong panunungkulan. Sa kabilang banda, may ilan din namang hindi satisified sa naging speech ni PNoy.


Samu't sari ang naging reaksiyon ng ilang celebrities, pulitiko, at iba pang mga personalidad sa naging huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino, kahapon, July 27.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga dumalong artista, pulitiko, kaalyado, at maging mga kritiko sa loob at labas ng Plenary Hall ng Batasang Pambansa pagkatapos ng lagpas dalawang oras na talumpati ni PNoy, na ayon sa iba ay maituturing na ring ‘valedictory address’ niya.

Narito ang kanilang naging assessment sa pang-anim na talumpati sa bayan ni PNoy:

Senate President Franklin Drilon: “It was a good account of what he has done for the past five years, especially the platform of 'Daang Matuwid,' it's about the principle of 'Daang Matuwid.'

"Hindi mga tao, kundi prinsipyo ng 'Daang Matuwid' na makakatulong sa atin.”

Senator Tito Sotto: “Ni-recap lang niya yung mga achievements niya. Siyempre may mga natuwa at merong hindi, at merong mga nakukulangan.

"Sa akin, on a personal note, okay naman.

"Kaya lang, sana nagkaroon man lang ng few minutes o pagbanggit man lang nung dangerous drugs act. Hindi ko narinig, e."

Senator Allan Cayetano: “Kulang ang oras, kahit mahaba ang SONA para banggitin lahat.

"But remember, last year to go, ang camera at mikropono, ‘ika nga, ay nasa kanya.

"Ang tao wiling tumulong, kailangan maglatag siya ng isang plano, isang blueprint na puwedeng pagtulung-tulungan…

"So, I think he still can use policy speeches sa mga affairs sa Malacañang, mga imbitasyon sa kanya para mai-supplement yung SONA, at para ma-solidify ang kanyang legacy at maparating sa tao na, ‘Alam naming may problema, at may ginagawa kaming solusyon.'”

Senator Cynthia Villar: “As expected, yun na rin ang pini-predict natin na sasabihin niya, in-enumerate niya yung mga accomplishments niya during the last five years, and meron naman talagang na-accomplish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Except, dun lang ako particular sa pagbabawas ng kahirapan or poverty, medyo walang movement ang ating statistics on poverty reduction.

"So, I guess, siguro it's not too late that this year he should focus on reducing poverty.”

National Youth Commission Chairman Dingdong Dantes: “Well, magandang malaman natin exactly the data…

"Gaya nga ng sabi, it ain't over 'til it’s over dahil there’s still things na kinakailangan when it comes to performance.

"That’s why sa paparating at sa mga naiiwang buwan, we have to work together sa mga legislative at executive para mas makamit yung mga gusto natin.”

DOJ Secretary Leila de Lima: “Yun ang inumpisahan niya, umpisa ng kanyang mensahe, yung anti-corruption campaign niya.

"Inuna niya yun, kasi para sa kanya, pinakaimportante yun.

"Kapag pinatunayan natin sa buong mundo na seryoso tayo sa anti-corruption campaign, madali nating makamit yung economic progress."

Laguna 1st District Representative Dan Fernandez: “Okay naman maganda. Lahat ng accomplishments ni Presidente… he was able to say it.

"And we hope na ipagpatuloy nung kanyang annointed one. Kung sino yung ma-endorse, sana manalo.

"And maganda yung projection na in ten years magiging isa tayong developed country, eventually na magiging first world."

Makati Representative Abigail Binay: “I was expecting... personally I was expecting that he was going to discuss even just a little bit about sa MRT and sa airport.

"Yun lang. Yun lang ang sa tingin ko hindi niya... hindi ko alam kung iniwasan niya o hindi lang talaga niya binanggit.”

Vice President Jejomar Binay: “In due time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN