Gerald Anderson devastated over breakup with Maja Salvador: "Pareho naman kami. Ako nga, 300 pieces!"

Gerald Anderson is embarrassed when the media ask him about his breakup with Maja Salvador: “Kasi siyempre, dapat tapos na. Pero hindi natin maiiwasan ‘yan kasi ito yung trabaho namin. But she’s a very strong person and napakabuti niya."


Ayon kay Gerald Anderson, pareho silang "nadurog" ng ex-girlfriend na si Maja Salvador pagkatapos ng kanilang breakup.

“Pareho naman kami. Ako nga, [nadurog ang puso ko sa] 300 pieces!

"Pero ganun talaga, e. We are just moving on and we’re both becoming better persons.

“Right now, I’m taking care of myself muna, improving myself.

"Yun ang kailangan," pahayag ni Gerald nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News.

Sinang-ayunan din ni Gerald ang naging pahayag ni Maja na ang aktor ang unang bumabati sa kanya kapag nagkakasalubong sila sa ASAP, kung saan sila regular hosts.

Sabi ni Gerald, “Oo naman, siyempre naman, ganun naman talaga. Maganda naman ang pinagsamahan namin.”

Nahihiya nga raw siya kay Maja dahil hanggang ngayon ay tinatanong pa rin sila ng press tungkol sa naging paghihiwalay nila.

“Kasi siyempre, dapat tapos na.

"Pero hindi natin maiiwasan ‘yan kasi ito yung trabaho namin.

"But she’s a very strong person and napakabuti niya."


EYEING SHAINA MAGDAYAO? Tinanong naman namin si Gerald tungkol sa usap-usapang may bago siyang natitipuhan ngayon—ang kapareha niya sa teleseryeng Nathaniel na si Shaina Magdayao.

Pahayag niya tungkol kay Shaina, “Sobrang sarap niyang katrabaho, magaan, very professional.

"Sobrang bait niya, accommodating, madaling kausap."

Pero dagdag ni Gerald, “Huwag muna, huwag muna... huwag mo muna akong tanungin!

"Hindi, focus lang muna dito sa Nathaniel. Yun lang iniisip ko ngayon.

“Sabi ko nga, magaganda ang qualities ni Shaina.

"Pero ako mismo, wala ako sa kundisyon para pumasok sa isang relasyon.

"Ang dami ko pang dapat ayusin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN