Ruffa Gutierrez comfortable working with ex-boyfriend John Lloyd Cruz

Wala na raw ilangan ngayon sa pagitan nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz. Katunayan, nagpadala pa raw si John Lloyd ng pagkain kay Ruffa. Sabi ng actress-TV host, “Friends kami, nagpadala siya ng food, ‘di ba? Nagpadala pa siya ng manok 'tsaka kilawin, so kinain ko naman.”


Makalipas ang maraming taon, muling nagkasama sina Ruffa Gutierrez at ang nakarelasyon nitong si John Lloyd Cruz nang mag-guest kamakailan ang actress-TV host sa sitcom ng aktor sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home.

Sa presscon ng bago namang show ni Ruffa sa TV5, ang Misterless Misis, inusisa ng media ang 1993 Miss World 2nd Princess tungkol sa pagtatrabaho nilang muli ni John Lloyd.

Natatawa nitong sagot, “O, John Lloyd, grabe, parang off naman, kasama ba siya dito?"

Pero patuloy ni Ruffa, “Okay naman. I have a good relationship now with JL [John Lloyd].

"We’re friends, you know, so sana makasama ko siya ulit sa mas mahaba at mas malaking project."

Hindi naman nila ito first time na magkita muli matapos silang naghiwalay noong 2011?

Tugon ni Ruffa, “Hindi naman. Nagkita na kami dati.

“Friends kami, nagpadala siya ng food, ‘di ba?

"Nagpadala pa siya ng manok 'tsaka kilawin, so kinain ko naman.

"Ganun, we have a very relax and comfortable working relationship."

Read: Ruffa Gutierrez and John Lloyd Cruz--reunited!

Nagkasama sina Ruffa at John Lloyd sa ABS-CBN primetime series na I Love Betty La Fea noong 2008. Dito pinaniniwalaang nabuo ang kanilang relasyon na nauwi rin sa hiwalayan.

Read: PART 1. Ruffa Gutierrez explains why her relationship with John Lloyd Cruz ended

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa sa grand press conference ng Misterless Misis, kagabi, July 28, sa Max’s Restaurant, Scout Tuazon, Quezon City.

Kasama ni Ruffa sa show, na magsisimula na sa August 9, sina Lorna Tolentino, Gelli de Belen, Ritz Azul, Mitch Valdes, at ang baguhang si Andie Gomez.

FREELANCER. “Masarap pala ‘pag freelance, ‘no, maraming raket,” bulalas naman ni Ruffa tungkol sa pagiging freelancer niya.

Hindi na nakatali sa isang istasyon ang ang former beauty queen.

Show contract lang ang kontrata ni Ruffa sa TV5 at masaya naman daw siyang muling nagbalik sa istasyong kumupkop sa kanya noon, via Paparazzi Showbiz Exposed, matapos niyang mag-resign sa The Buzz ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Well, I’m very, very happy when this project was offered to me.

"Kasi nung nakita ko nga kanina yung preview, sabi ko, ‘Wow parang pelikula.’

“Kaya ko lang talaga hinahangaan si Mark Meily kasi, you know, with Unitel, with TV5, everyone that’s part of this project, hindi ako nagsisi na tinanggap ko ‘to kasi mukhang maganda at mukhang nakakatawa.

“And I’m very, very, happy na nakakasama ako dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN