Barbie Forteza happy about Andre Paras's loveteam with Yassi Pressman

Ayaw ni Barbie Forteza na magkaroon ng isyu sa kanila ng kaibigan niyang si Yassi Pressman, na itinatambal ngayon sa kapareha ni Barbie sa The Half Sisters na si Andre Paras.


Bini-buildup ngayon ng Viva Films ang loveteam nina Yassi Pressman at Andre Paras—o YanDre—dahil sila ang lead stars ng upcoming romantic-comedy movie na Girlfriend for Hire.

Sina Andre at Yassi ang personal choice ng Viva Films executives para magbida sa popular Wattpad novel na isinalin sa pelikula dahil nakita nila ang malakas na chemistry ng dalawa sa Diary ng Panget (2014), na launching vehicle naman nina James Reid at Nadine Lustre o JaDine.

On the other hand, marami ring fans ang tambalan ni Andre kay Barbie Forteza, na kapareha niya sa toprating afternoon soap ng GMA Network na The Half Sisters.

May mga nagsasabing si Barbie ang dapat na kapareha ni Andre sa Girlfriend for Hire.

Pero ayaw raw ng Kapuso teen actress na magkaroon sila ng isyu ni Yassi dahil sa kanilang friendship na nagsimula noong contract star pa lamang ang huli ng GMA.

Sabi ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kaibigan ko po si Yassi.

“Sa Tween Hearts po, kasama ko ‘yan at saka Luna Blanca, magkaibigang-magkaibigan kami.

“Si Andre, mapag-uusapan namin ‘yan.”

Sabi pa niya tungkol sa YanDre loveteam, “Sobrang happy ako para sa kanilang dalawa kasi, actually, napanood ko yung Diary ng Panget.

“Doon ko sila talaga unang nakita, bagay sila.

“Nung napanood ko ‘yon, hindi ko pa alam na makakasama ko pala sa The Half Sisters si Andre. Napakaliit ng mundo.

“Happy ako para sa kanila and miss ko na si Yassi.

“Sana maging successful yung movie nilang dalawa dahil parang mukhang nakakakilig, kaya papatok ‘yon for sure.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN