Heart Evangelista on husband Sen. Chiz Escudero’s political plans: "I don’t know kung tatakbo siya o ano ba talaga ang plano niya."

Heart Evangelista on husband Sen. Chiz Escudero’s plan to seek higher office: "Hindi namin napag-uusapan. I don’t know kung tatakbo siya o talagang ano ba talaga ang plano niya."


Kinunan ng pahayag si Heart Evangelista hinggil sa pagbibitiw ng kanyang kabiyak na si Senator Chiz Escudero bilang chairman ng Senate Committee on Finance at co-chairman ng Joined Congressional Oversight Committee on Public Expenditures nitong Martes, July 28.

Ang rason umano ng senador ay dahil sa delicadeza.

Ayaw raw ni Senator Chiz mabahiran ng isyu ang usapin tungkol sa budget allocations at pulitika, lalo pa’t maingay ang usap-usapang pagtakbo niya sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

Gayunpaman, wala pang pormal na deklarasyon kung anong posisyon ang tatakbuhin niya o kung tatakbo nga ba siya.

Read: Senator Chiz Escudero resigns as Senate finance head out of delicadeza; reiterates possible bid for 2016

Sa press conference ng upcoming GMA primetime series ni Heart, ang Beautiful Strangers, natanong si Heart tungkol sa pagbibitiw ni Senator Chiz.

Tugon ng Kapuso actress, “I think, yung sinabi niya is delicadeza, e, and he’s really like that.

“Gusto niyang gawing tama ang mga bagay, and he felt that [that] was the right thing to do.

“I will support him.”

May plano ba talaga si Senator Chiz na tumakbo sa mas mataas na posisyon, bilang President o Vice President, sa susunod na national elections?

“Hindi ko alam... ayokong makialam!” mabilis na sagot ni Heart.

Dagdag niya, “Hindi namin napag-uusapan.

"I don’t know kung tatakbo siya o talagang ano ba talaga ang plano niya.

“Pero pag natatanong ako at nandun siya, at napag-uusapan namin, it’s not about the position that you will have, it’s not about the name that comes with it.

"It’s the sacrifices that you have to make."

Ginanap ang presscon ng Beautiful Strangers nitong Martes ng gabi, July 28, sa Studio 6 ng GMA Network Center.

Kasama ni Heart dito sina Lovi Poe, Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Rocco Nacino, Benjamin Alves, Ayen Laurel, Emilio Garcia, Kier Legaspi, Lovely Rivero, Gab de Leon, Dyanin Cruz, Diane Medina, Mariel Pamintuan, Nar Cabico, at Renz Valerio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisimula ang Beautiful Strangers sa August 10, pagkatapos ng Pari 'Koy.

POLITICIAN'S WIFE. Dahil asawa na siya ng isang pulitiko, kumusta ang adjustment ni Heart sa mundo ng kanyang asawa?

Tugon niya, “More or less, it’s the same, pero I do admit I don’t want to meddle sa trabaho niya.

"Kasi hindi na rin ako naniniwala or hindi na rin uso yung the usual umeepal yung asawa.

“I’m sorry for the term, but that’s how it seems for me.

"And, especially artista ako, ayaw naming bigyan yun ng kulay, and as much as possible ayokong makialam."

Paglilinaw ni Heart, nagkukuwento sa kanya si Senator Chiz sa mga kaganapan sa pulitika, pero ayaw raw talaga niyang makialam sa mga hakbang at ginagawa ng asawa.

“Suporta naman ako sa kanya. He’s very, very smart.

"Kahit dati pa, hindi ko pa siya nakikilala, talagang I look up to him.

"So, kung anuman ang mga desisyon niya, sigurado akong pinag-aralan niya 'yon. Siguradong alam niya ang ginagawa niya.

"Sinusuportahan ko lang naman siya."

Sa kabila nito, ipinaparamdam naman daw sa kanya ni Senator Chiz na mahalaga ang kanyang opinyon.

“Not that it matters or [that] he decides according to my opinion, but he respects that I have a voice.

"And I respect that my voice shouldn’t be too loud."

Diin pa ni Heart, naniniwala siyang bilang respeto na rin sa kanyang asawa, mas mabuting hayaan at suportahan na lamang ang senador pagdating sa usaping pulitika.

“I think that’s the way it should be.

"He is the man of the house and I should be confident about his decisions and I should trust that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN