Bea Binene rants on Twitter; is she alluding to ex-boyfriend Jake Vargas?

One of Bea Binene's tweets last July 21: "You're obviously trying to get sympathy but Its better to admit it than to make people that are telling the truth look stupid and dishonest."


Mukhang naglabas ng kanyang sama ng loob ang Kapuso tween actress na si Bea Binene sa Twitter, noong July 21, laban sa isang taong sinungaling.

Ito ang tweets ni Bea:

Tables are turned because of your lies. It's just sad. #ktnxbye

— Bea Binene (@beabinene) July 21, 2015

For me, somebody SHOULD admit something if he/she really did it, but SHOULD NOT lie just to get everybody's hearts. #justsayin

— Bea Binene (@beabinene) July 21, 2015

Well then, the proof and the people who knows everything are just there. #justsayin

— Bea Binene (@beabinene) July 21, 2015

You're obviously trying to get sympathy but Its better to admit it than to make people that are telling the truth look stupid and dishonest.

— Bea Binene (@beabinene) July 21, 2015

You've got what you want, happy now? ;) #ktnxbye #justsayin

— Bea Binene (@beabinene) July 21, 2015

Ilang followers ni Bea ang nag-conclude na ang pinapatamaan diumano ng young actress sa kanyang tweets ay ang ex-boyfriend niyang si Jake Vargas.

Kaugnay nito, isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nagsabing hindi nagustuhan ni Bea ang sinabi ni Jake sa interviews nito sa press launch ng teleseryeng Buena Familia.

Sinabi raw kasi Jake na okey at magkaibigan naman sila ni Bea.

Panay rin daw ang text at tawag niya kay Bea para kumustahin ito, pero hindi raw siya sinasagot ng ex-girlfriend.

Sa madaling-salita ay dedma raw si Bea sa kanya.

Nailathala ang nasabing artikulo dito sa PEP noon ding July 21.

Read: Jake Vargas says lack of time caused breakup with Bea Binene

Ikinagalit daw ito ni Bea dahil, ayon sa source, walang natatanggap na anumang text o tawag ang young actress mula kay Jake mula noong maghiwalay sila.

Sabi pa ng source, pakiramdam ni Bea ay nagpapaawa si Jake sa media at pinapalabas nitong hindi pinapansin ng young actress ang pagri-reach out niya.

Nasabi rin daw ni Jake sa isang interview na walang raw third party sa breakup nila ni Bea.

Pero nalaman daw ni Bea na may kasabay siya noong sila pa ni Jake. Taga-Olongapo City raw ang babaeng ito na naging dahilan ng paghihiwalay nila.

Nito namang nakaraang Kapuso Fans Day sa Mall of Asia Arena, umiwas daw si Bea na magkasalubong sila ni Jake sa backstage.

Hindi raw lumabas si Bea ng dressing room nito hangga’t hindi natatapos si Jake sa mga production number nito.

Nag-perform si Jake kasama ang cast ng Pepito Manaloto at Buena Familia. Samantalang si Bea ay nakipag-duet naman kay Derrick Monasterio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa group shot naman ng cast ng Reel Love Presents Tween Hearts, tanging si Jake lang daw ang wala.

Sa Instagram at Twitter accounts ni Bea ay na-delete na rin lahat ng photos nila ni Jake.

Dagdag pa ng aming source, unti-unti nang nakaka-move on si Bea.

Busy raw ito sa kanyang pag-aaral at sa kanyang shows na Vampire Ang Daddy Ko at Good News.

Samantala, bukas ang PEP sa panig nina Bea at Jake kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN