Barbie Forteza clarifies she was never courted by her onscreen partners

Barbie Forteza will not be easily swayed by a suitor who looks like her crush Dennis Trillo: "Kahit pa kamukha man ni Dennis Trillo, kahit halos kapareho na ni Dennis Trillo, siyempre hindi ko kakalimutan ang mga bilin ng magulang ko, na dapat susuyuin ako. Kung kasing-guwapo at kasing-bait ka ni Dennis Trillo, pero hindi ka naman ma-push, ay, tigbak!"


“Never pa akong nagka-boyfriend.”

Ito ang paglilinaw ni Barbie Forteza, na magdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan sa Biyernes, July 31.

Bagamat nali-link sa kanyang mga nakakasama sa trabaho, nilinaw ng Kapuso young actress na “wala pang nagkakamali” na pumorma sa kanya.

“Hindi ko nga po alam sa kanila. O baka hindi ko lang alam na nanliligaw na sila!” natatawang sabi ni Barbie nang makausap siya ng PPE.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa birthday presscon na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanya, kahapon, July 28.

Paano ba ang paraan ng panliligaw na gusto ni Barbie?

Sagot niya, “Ang gusto ko kasi old style ng pagiging romantic.

“Gusto ko lang na sila mismo, personally, pupunta sila sa bahay para ipagpaalam ako na lalabas kami.”

Sa pagtuntong niya sa edad na 18, pinapayagan na raw siya ng kanyang mga magulang na magkaroon ng boyfriend.

Ani Barbie, “Happy ako kasi nagtitiwala sila sa akin, na kaya kong mag-handle ng relasyon o commitment.

“At hindi naman sila nawawala. Parati silang nandiyan para payuhan ako.”

ONSCREEN ONLY. Nilinaw ni Barbie na wala sa mga naging kapareha niya—Andre Paras, Derrick Monasterio, at Miguel Tanfelix—ang umabot sa punto ng panliligaw.

Tungkol sa kasamahan niya noon sa Paroa na si Miguel, sabi ni Barbie, “Hindi rin naman umabot sa point na mayroon ipu-push dahil wala naman talaga.”

Si Derrick naman, ayon kay Barbie, “Never naman kaming naging something. Magkaibigan kami nun.”

At pagdating sa kasalukuyan niyang on-screen partner na si Andre, natawa ang The Half Sisters actress at sinabing, “Alam naman niyang echos lang 'yon [mga sinasabi ko]!

“Alam niyang pilya lang talaga ako.

“Alam niyang marami lang talaga akong sinasabi.

"Nasa kanya na 'yon kung gusto niyang seryosohin."


WHAT IF IT'S DENNIS TRILLO? Hindi naman itinago ni Barbie ang kanyang pagkakilig nang banggitin ang matagal na niyang crush na si Dennis Trillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro tuloy siya paano kung ligawan siya ng My Faithful Husband actor.

“Grabe naman. Hindi ako ganun kabaliw!” agad na sagot ni Barbie.

“Basta idol ko siya, pero 'di umabot sa ganung point na isipin ko na, 'Paano kaya kung ligawan niya ako?'

“Kapag nagkikita kami sa [Sunday All Stars] o dito sa GMA, walang ibang pumapasok sa isip ko.

"'Gusto kong magpa-picture sa kanya,' puro ganun lang."

Dagdag pa niya, “Ako talaga ang nahihiya, kasi kada interview, sinasabi ko talaga na crush ko siya.

“Alam kong alam niya kaya ako nahihiya.

“Minsan hindi niya alam kung kakausapin niya ako o hindi, na ako rin naman kasi, kung anu-ano ang pinagsasasabi ko.

"Pero kahit papaano, mabait sa akin."

At katulad ng mga sinabi ni Barbie sa nakaraang interviews, hindi pa rin nagbabago ang dahilan kung bakit patuloy ang paghanga niya sa kapwa Kapuso artist.

“Napakaguwapo niya, my gosh! At saka mabait.”

At kahit kamukha pa ni Dennis Trillo ang manliligaw sa kanya, tiniyak ni Barbie na hindi siya agad-agad magpapadala.

“Ito, aaminin ko po, kahit pa kamukha man ni Dennis Trillo, kahit halos kapareho na ni Dennis Trillo, siyempre hindi ko kakalimutan ang mga bilin ng magulang ko, na dapat susuyuin ako.

“Kung kasing-guwapo at kasing-bait ka ni Dennis Trillo, pero hindi ka naman ma-push, ay, tigbak!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN