Ara Mina hopes to reconcile with ex-partner Mayor Patrick Meneses: “Oo naman, kasi may anak ako sa kanya, e.”

Ayon kay Ara Mina, hindi niya alam ang konkretong dahilan ng hiwalayan nila ng dating ka-partner na si Mayor Patrick Meneses. Pero umaasa raw siya na sa bandang huli ay magkakaayos din sila para sa kanilang anak na si Mandy.


Bagamat hiwalay na sila, sinabi ni Ara Mina na maayos pa rin ang relasyon nila ng dati niyang partner na si Bulcan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Sabi ng aktres, “Okay naman kami.

“Actually, ayoko muna pag-usapan kaya hindi ako nagpapa-interview, kasi wala naman kaming away o something.

“Mahirap ding i-explain, e. Pero ano kami, in good terms kami, okay kami.

“Nagkikita naman kami madalas, so ano siguro... minsan may konting space, ganun.”

Ano ang sabi ni Mayor Patrick tuwing nagkikita sila?

Nakatawa nitong sagot, "Hindi ko nga rin alam, e!

"Kaya nga ayaw ko munang pag-usapan kasi wala pang final na ano kung ano talaga.

“Kaya focus muna sa baby, hindi muna kami nagpo-focus sa aming dalawa.”

May isang anak sina Ara at Mayor Patrick—ang seven-month-old na si Amanda Gabrielle o Mandy.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa 15th anniversary party ng YES! Magazine, noong Lunes, July 27.


POLITICS? Sa mga naunang panayam ng PEP kina Ara at Mayor Patrick, kapag napag-usapan ang tungkol sa kasalan ay karaniwang sagot nila ay darating din daw yun.

Pero sa nangyaring hiwalayan nila, isang linggo matapos binyagan ang kanilang anak, tila may malaking dahilan dito.

Isa na kaya rito ang pulitika, kung saan nasa ikalawang termino na si Patrick bilang alkalde ng bayan ng Bulacan, Bulacan?

Nakangiting sagot ni Ara, “Siguro part na rin yun, baka pressure, mag-e-eleksyon na next year... I don’t know, ‘di ba?”

Pero binigyan ba niya si Mayor Patrick ng space kung sakaling ito nga ang hiling ng pulitiko?

Saad ng aktres, “Actually, ako ay isa sa pinakamabait na partner, ‘di ba?

"Kasi wala kaming pinag-awayan, wala kaming ano… kaya parang ang hirap lang i-explain.

“Siguro ano, kasi yung mga tao, masyado nag-i-expect kung kailan kayo ikakasal.

"Parang ang focus namin, sa baby lang muna. Hindi yung ikakasal kami or something."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, umaasa si Ara na magiging okay ulit ang samahan nila ni Mayor Patrick.

“Oo naman, kasi may anak ako sa kanya, e.

"Sa dati kong naging boyfriends, hindi ako nagpapaanak.

“So, hopefully, let’s see kung anong mangyari sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN