Barbie Forteza prefers a pickup truck than a lavish party on her debut

Barbie Forteza on her wish to buy a pick-up truck: “Kasi po parang convenient siya sa Pilipinas bilang bahain ang Pilipinas. Iyon po talaga yung dream car ko ever since, kasi nga maluwag at saka hindi kasi ako masyadong fan ng malilit na kotse.”


Natutuwa ang Kapuso Tween Queen na si Barbie Forteza na may mga magagandang pagbabago na siyang nakikita sa buhay niya, ngayong magiging 18 na siya sa Biyernes, July 31.

“Ipinagkatiwala na po sa akin ng nanay ko ang mga ilang responsibilidad sa aking trabaho.

“Malaking bagay po para sa akin kasi, ibig sabihin, nagtitiwala na sila sa akin.

“Feeling nila, mature na ako enough para ibahagi nila sa akin yung tungkol sa schedules ko, yung legal matters, ganyan.

"Unti-unti na nilang dini-discuss sa akin.

“And pagdating naman sa buhay ko personally, so far wala pa namang nagbabago.

“Sana meron in the future, sana may magparamdam in the future!” natawang sabi ni Barbie.

Wala pa bang nagpaparamdam kay Barbie?

Tugon niya, “Wala pa pong nagkakamali. Wala pa pong nagkakamali, malungkot!”

PICK-UP TRUCK AS BIRTHDAY WISH. Sa halip na isang bonggang party ay isang simpleng salu-salo, kasama ang ilang miyembro ng media, ang idinaos noong Miyerkules, July 29, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang birthday wish daw ni Barbie ay isang bagong sasakyan.

“Yung puwede ko nang i-drive. May lisensiya na naman po ako, e.

“Approval na lang ng parents ko.”

Isang pick-up truck ang gustong bilhin ni Barbie.

“Kasi po, parang convenient siya sa Pilipinas bilang bahain ang Pilipinas.

"Iyon po talaga yung dream car ko ever since, kasi nga maluwag at saka hindi kasi ako masyadong fan ng malilit na kotse.”

Wildtrak na Ford Ranger ang gusto ni Barbie.

“Actually, pinag-uusapan na namin ng tatay ko.

"Tapos, umiiling na lang ang nanay ko. Ayaw niya pa akong mag-drive.”

Sa mismong birthday ni Barbe ay nasa rehearsal siya para sa final episode ng Sunday All Stars at pagkatapos ay magdi-diner silang mag-anak.

“Ilang beses na rin po akong kinukulit ng GMA at ng Artist Center na gusto po talaga nila akong mabigyan ng magandang debut.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lang, ang sabi ko, sayang naman ang effort at saka yung gastos, e.

"Ako, sa sarili ko, hindi ko naman po talaga gusto.

“Para sa akin, hindi ganun ka-worth it para gumastos para lang sa isang gabi na party.

“Kumbaga, kung gugustuhin ko mang magkaroon ng regalo, sasakyan na para magagamit ko pa, ganun.

"Para hindi na rin po ako gumastos since nag-iipon po ako para dun sa gusto kong sasakyan.”


ON MIGUEL TANFELIX. Sa kabilang banda, iinanggi ni Barbie na naging sila ni Miguel Tanfelix.

“Hindi, magkaibigan kami nun. Nakakaloka kayo!

“Magkaibigan kami. Una kaming nagkasama sa Paroa.

"Nawalan ng communication kasi nagkaroon kami ng separate lives, you know.

“Tapos nagkita kami sa SAS.

"As in, for a long time, noon lang kami nagkita ulit so nag-usap-usap kami, ‘O sige, ganyan, labas tayo!’

“Ganun lang.”

Hindi raw date na matatawag ang paglabas nila ni Miguel dahil marami silang magkakasama.

Ni hindi rin daw sila naging mag-MU o nagkaroon ng mutual understanding.

Sabi ni Barbie, “Hindi rin naman po kasi kami nagkikita. Nakakaloka naman!

“Kumbaga, hindi enough sa akin na communication lang na text lang. Gusto ko yung nakikita ko at nakakasama ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN