Raymond Gutierrez avoids meddling in mom Annabelle Rama and sister Ruffa's rift: “Hindi na, may sarili na akong problems at mundo!”

Raymond Gutierrez on rift beween his mom Annabelle Rama and sister Ruffa Gutierrez: "I understand both of them. Ako, whatever makes my ate happy, whether it’s a new boyfriend, so be it. But my mom doesn’t think the same way, ‘di ba?"


Kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Raymond Gutierrez ang estado ng relasyon ng mommy niyang si Annabelle Rama at ng ate niyang si Ruffa Gutierrez.

Nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil ayaw ni Annabelle sa boyfriend ni Ruffa ngayon na si Jordan Mouyal.

Ayon kay Raymond, “Okey na sila.

“I think, this is the longest time na hindi sila nag-usap na dalawa.”

Apektado rin ba siya kapag may isyu sa pagitan ng ina at kapatid?

Sagot niya, “You know, I live my own life.

"Pero when there’s family gatherings at hindi sila nag-uusap, like noong Father’s Day, lahat kami nasa isang dining table tapos may tension, siyempre hindi maiiwasan na there’s this awkward feeling in the air.”

Hindi na ba siya nagme-meddle sa mga ito?

“Hindi na, may sarili na akong problems at mundo!” natawang sabi ni Raymond.

Dedma na lang siya?

"Yeah, ako, I only give advice when it’s asked. So, if it’s not asked..."

Hindi ba niya sinubukang kausapin ang ina o ang ate niya?

“You know, there’s a time na kaming magkakapatid, nag-usap na parang, 'What’s wrong with Mom? Why is she not letting go of this issue or whatever?'

"So, makikita ninyo naman ang mga ganung meetings namin sa show [It Takes Gutz To Be A Gutierrez]."

Naiintindihan ba niya kung saan nanggagaling pareho ang mommy at ate niya sa isyu nila?

"Yeah, I understand both of them.

"Ako, whatever makes my ate happy, whether it’s a new boyfriend, so be it.

"But my mom doesn’t think the same way, ‘di ba?"

PROUD MOMMY. Madalas banggitin ni Annabelle sa kanyang interviews kung gaano siya ka-proud kay Raymond, lalo na pagdating sa negosyo.

Nararamdaman ba ni Raymond ang pagiging proud ng ina sa kanya?

Tugon ng host-entrepreneur, “I would hope so.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I do balance business, night life, hosting...

"And it’s a lot of things to take in, especially now, I’m producing my own events.

"I’m enjoying it for the past few months.

“I’m still new in the game, but I’m happy that maraming clients believe in me, to throw their parties.

"Hopefully she [Annabelle] is proud of me.

"I do work a lot. Pero napi-feel ko naman na they’re proud of me somehow."

Isa si Raymond sa 30 to 35 investors ng mga restaurant at high-end bars sa Uptown Bonifacio; kabilang na ang The Palace Pool Club, Café Naya, at Valkyrie.

Co-investor din daw ni Raymond ang kakambal niyang si Richard Gutierrez.

“Chard has a lot of investments as well, but he’s not as hands-on.

"Ako, when I invest money in a business, I get really passionate about it. I get really hands-on.

“And it’s also something that I do enjoy doing, so I don’t mind coming here and making everything happy.”

RICHEST AMONG THE GUTIERREZ SIBLINGS? Siya ba ang pinakamayaman sa kanilang magkakapatid?

“Hindi, I just work hard,” nakangiting sabi ni Raymond.

Totoo bang hindi na siya nanghihingi ng pang-travel sa mommy niya?

“Minsan, minsan nanghihingi pa rin!” natawa niyang pag-amin.

“But, yeah, I’m very focused on the things that I invest my money on.

"Kasi for ten years, I was in show business, working in front of the camera, puro good times.

"As I get older, I wanted to invest my money in things that I enjoy.

“I enjoy the night club, I enjoy throwing parties.

"Aside from these, I also do a lot of events. I produce events now.

"I handled the launch of Anne Curtis’s apps game.

"My next event is with Kathryn Bernardo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN