Polo Ravales thankful for successful surgery; reveals breakup with non-showbiz girlfriend

Handa nang muling sumasabak sa trabaho si Polo Ravales matapos ang matagumpay na operasyon sa litid na umipit sa kanyang lumbar bone. Pero hindi pa siya nagbigay ng detalye sa mga nakalinyang proyekto dahil kasalukuyan pa raw itong pinaplantsa ng kanyang manager.


Naging matagumpay ang operasyon ni Polo Ravales noong June 30, kung saan kinailangang tanggalin ang naipit na litid sa kanyang lumbar bone.

Ilang sandaling nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa YES! Magazine 15th anniversary party noong Lunes, July 27, sa Crowne Plaza, Ortigas.

Dito ay ibinahagi ni Polo ang kanyang pasasalamat dahil naging successful ang operasyon niya.

Sabi ng 33-year-old actor, “Okay naman so far, nagti-therapy ako ngayon.

“May umipit kasi na litid dun sa may lumbar bone ko, so kailangan operahan, kasi sobrang sakit na niya.

“Oo, natakot ako, akala ko malulumpo ako.”

Read: Polo Ravales undergoes surgery to repair a slipped disc

Sa tulong daw ng taimtim na dasal ng kanyang pamilya at mga kaibigan, naging maayos na ang lahat at handa na siya muling magtrabaho.

Pero wala pang konkretong detalyeng maibigay ang aktor kung anong proyekto ang nakalinya sa kanya dahil nakikipag-meeting pa raw ang kanyang manager para rito.

THE BREAKUP. Samantala, medyo may lungkot sa mukha ni Polo nang matanong ng PEP tungkol sa ka-live-in niya for almost five years.

Hiwalay na pala sila "just recently."

Sabi ni Polo tungkol sa pagtatapos ng kanilang relasyon, “Some good things never last.

"Dito naman sa mundo natin, walang permanente."

Noong 2012 ay personal naming nakasalamuha si Polo kasama ang ka-live in niyang si Shasta Munsayac sa isang restaurant sa BF Parañaque kung saan investors din sila.

Read: Polo Ravales on live-in rumor with non-showbiz girlfriend: “We live in the same house, pero ano, kasama pa rin niya yung family niya.”

Paano yung business nila?

“Yung business, sa kanya na yun.

"Maybe God has just another plans for me, so yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN