Heart Evangelista on how Sen. Chiz Escudero and her parents patched things up: “Pareho rin kami ng pag-iisip na you only live once.”

Heart Evangelista on their family's new-found peace: “Not all the time your stars are aligned, so parang nakakapanibago siya. So, you’re praying na sana ma-maintain, sana nothing bad happens, yung ganun.”


Mula nang ikasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero, tila sunud-sunod na naging maayos ang lahat sa buhay ng Kapuso actress-TV host.

Kasama na rito ang pinakahihintay niyang pagtanggap ng kanyang mga magulang sa mister niya.

Sabi ni Heart, “I’m okay, very, very happy. Back to work.

"I’m just so happy. Everything’s just so perfect.

“Kaya nga ngayon, nagdarasal ako nang grabe, kasi hindi ako sanay na okey ang lahat.

“Not all the time your stars are aligned, so parang nakakapanibago siya.

"So you’re praying na sana ma-maintain, sana nothing bad happens, yung ganun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Heart sa press conference ng upcoming primetime series niyang Beautiful Strangers, noong July 28, sa Studio 6 ng GMA Network.


TRANSPARENT PERSON. Paano naging maayos ang lahat sa pagitan ni Senator Chiz at ng kanyang mga magulang?

Sabi ni Heart, “Wala, siguro noong ikinasal ako, na-realize nila na okey na ako.

"I’m a very transparent person. Alam nila kung may problema ako, kitang-kita naman sa akin.

"Kapag nakita nilang masaya ako, tinanggap din nila.

“At saka, pareho rin kami ng pag-iisip na you only live once, you’re now getting old, sayang yung time.

“Although ako, consistent lang din naman ako na nandun lang ako palagi. Palagi ko silang binibisita.

"Yung mommy ko [Cecile Ongpauco], kahit hindi niya ako kinakausap, nandun ako.

"So, consistent ako dun. Nakita rin niya at natanggap din niya.

“Ngayong tanggap niya, perfect na talaga lahat.”

Ano ang pakiramdam ni Senator Chiz na okey na lahat at tanggap na siya ng mga biyenan niya?

“Ang saya niya, ang saya-saya niya talaga,” sambit ni Heart.

Okey na ba talaga si Chiz sa mommy niya?

“Oo, okey na sila,” nakangiting sabi ni Heart.

“Sabi nga ng mommy ko [kay Chiz], ‘Huwag ka nang ma-tense, bati na tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nahihiya siya.

"Kaya noong kumain kami together, sabi ko, 'Kayo na ang tabi, ganyan...' Ang saya!”

GENUINELY HAPPY. Kamakailan ay nag-post si Heart sa Instagram ng larawan kung saan kasama nila ni Chiz ang mga magulang at kapatid ng aktres, at ang nanay at ilang kapatid ng senador.

Sabi naman ni Heart, “Ang saya... it’s nice na nakita niya [Chiz] kung saan ako nanggaling.

"Lahat-lahat... 'Kaya pala siya ganito, kamukha niya mommy niya,' yung ganun."

Balik na rin daw sa normal ang relasyon nilang mag-ina.

“Okey na kami at saka nag-mellow na rin siya. Ang laki ng minellow niya.

"And we’re so close naman, kilala niya ako.

"And noong nakita niya na I’m happy and when she sees naman na I’m genuinely happy, as a mom, of course, okay na."

Naintindihan ba ni Heart ang lahat ng nangyari, ang naramdaman at pinagdaanan nila ng mommy niya?

Sagot niya, “Of course, ako lang naman talaga ang makakaintindi sa lahat.

"I was made of the same material kumbaga.

“Ako lang talaga ang makakaintindi kung saan sila nanggagaling, ano ang mga fears nila para sa akin.

"Sila rin ang mga nakakakilala sa akin, mga weaknesses ko, fears ko, mga kailangan kong malaman sa mundo.

“Of course, they were afraid for me, which I understood.

"Hindi rin naman ako puwedeng completely magalit sa kanila dahil mahal na mahal lang naman nila ako."


KIDS ISSUE. Kumpara sa ibang mga magulang na madalas naglalambing na magkaroon agad ng apo, ang mga magulang daw nina Heart at Chiz ay hindi naman sila pini-pressure sa bagay na ito.

Sabi ni Heart, “Hindi, in fact, sinasabi nila, 'Take your time. You’re finally married and, now, you can do whatever you want.

“'Travel the world na talaga. You live in the same house, enjoy.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ganun."

Pero gusto na raw ni Senator Chiz na magkaroon sila ng sarili nilang anak.

“Siya gusto niya ng baby.

"Pero ako, I want to enjoy, I have so much to do.

"Now that finally everything’s okay, I want to enjoy that and, eventually, we’ll have the baby.

“The baby will forever be there.

“So, kami na muna.

"Gusto ko rin muna to spend time with his kids [Chiz's children by ex-wife Christine Elizabeth Flores] bago kami magkaroon ng sariling amin.

"Para ma-establish ko muna ang relationship ko sa kanila."

Malapit naman daw siya sa kambal na anak ni Senator Chiz na sina Joaquin at Cecilia.

Pero “tita” raw siya ng mga ito at hindi “mommy.”

“I don’t think I can ever be their mom and I’m fine with that. I’m their Tita Heart,” sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN