Heart Evangelista assures 'Poe-Escudero' tandem will happen soon

“Hindi rin naman namin sobrang napag-uusapan, so I really don’t know,” says Heart Evangelista about her husband making a bid for the presidency. But if Senator Chiz Escudero decides to go for it, is she prepared for the muck that goes with it? "I’ve been very honest with my life... I’m not hiding anything, so go ahead,” she dares.


Ayon kay Heart Evangelista, malapit nang masaksihan ang inaabangang 'Poe-Escudero' tandem.

“Basta ako, ang alam ko lang na tandem na sigurado na sa August 10 is Lovi Poe and Heart Escudero for Beautiful Strangers!” natawang sabi ni Heart, bilang pagtukoy sa pagsasama nila ni Lovi sa upcoming primetime series ng GMA Network.

Ganunpaman, hindi raw maikakaila na malapit talagang magkaibigan ang kapatid ni Lovi na si Senator Grace Poe at ang mister ni Heart na si Senator Francis "Chiz" Escudero.

“They’re very good friends, friends sila ever since, talagang close siya sa pamilya,” sabi ng Kapuso actress.

Matalik ding magkaibigan sina Heart at Lovi, at dahil sa bagong primetime series nila ay madalas silang magkasama ngayon.

Napag-uusapan ba nila ang sinasabing pagsasanib-puwersa nina Grace at Chiz?

Ayon kay Heart, “Oo nga, e, best friend din kami at best friend din sila.

"Ang liit ng mundo, ‘di ba? Ang sweet naman, connect na connect!

"But hindi namin ‘yan napag-uusapan.

“Parang beyond reality naman ang mga bagay-bagay...

"Kahit naman ako, nakapangasawa ng senador.

“Kahapon sa SONA, kabadung-kabado ako, but I’m learning a lot.

“Pero hindi namin napag-uusapan, parang grabe naman, parang ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa press conference ng Beautiful Strangers noong Martes, July 28, sa Studio 6 ng GMA Network.


NOTHING STRESSFUL. Kung sakaling matuloy at palaring manalo si Senator Chiz sa mas mataas na posisyon na tatakbuhin nito, nakahanda na ba si Heart maging First Lady o vice president's wife?

“Oh, my gosh! I cannot think about it yet, I cannot!” bulalas niya.

Napi-pressure na ba si Senator Chiz para sa 2016 elections?

Sagot ni Heart, “I don’t feel he’s pressured.

"He’s really hardworking, at ano kasi yun, light-light-an lang.

“Hindi siya yung masyadong stressful na parang always on the phone, wala.

“Iniintindi ko lang talaga siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong huling tumakbo si Chiz bilang senador, hindi nito pinayagan si Heart na mangampanya.

Kung sakaling tuloy ang asawa sa pagtakbo sa 2016, sasama na ba si Heart sa pangangampanya?

Saad niya, “Kapag napag-uusapan lang the probability of things, we agreed na minsan sasama.

"Pero most of the time, hindi siguro...

"Kung mangyayari man, we’re very aware of the concept or formula na may artista.

“We’re not so up to it...

"Me personally, of course, I will be there. I’m his wife, I have to be there.

“But hindi ako... I mean, kung dumating man yun, hindi mo ako makikitang kumakanta.

“I think I’m fooling a lot of people by using whatever celebrity status I have.

“We’re not like that... sasama ako sa kanya bilang asawa niya.

“Hindi rin naman namin sobrang napag-uusapan, so I really don’t know.”


CHIZ FAN. Kung sabihin, maintriga man sa mundo ng showbiz pero doble o triple pa sa pulitika.

Usap-usapang tatakbo nga si Senator Chiz sa pinakamataas o pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Handa na ba si Heart sa mga kung anu-anong batikos o intriga na puwedeng ibato sa kanila?

“My God, I’ve been very honest with my life, and I’m glad that I’ve always been honest.

“I was hit many times with the life I chose to live, the life that I lived or who I was a few years ago.

“I’m very happy that I chose to be honest because I’m not hiding anything, so go ahead.”

Pagdating naman daw sa decision-making, lalo na sa pulitika, malaki ang tiwala at paghanga ni Heart sa asawa.

Crush nga raw niya ito dati pa.

“Bilang crush na crush ko naman siya, isa ako sa mga fans niya.

“Lalo na kapag sinusundo niya ako, ang guwapo niya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sweet din daw Senator Chiz.

"Oo, super!

"Busy lang siya talaga, pero he makes up for it naman.”


DREAM GIRL. Kung super crush ni Heart ang mister, sa isang banda, ang aktres naman ay crush ng maraming young stars.

Kahit may asawa na siya, super crush pa rin siya ni James Reid, at maging si Iñigo Pascual ay nababanggit ang pangalan niya.

Nakangiting sabi ni Heart, “Nakakatuwa naman, updated pa rin ako, kahit thirty, pasok pa rin sa banga!

“I’m flattered really, parang, 'Ha, paano nangyari yun?'

“Especially before, if you know me, I was not really on top of my career, I was not really an It Girl.

“But they still consider me, it’s very flattering… ang taray, ‘di ba?

“Sabi ko nga kay Chiz, ‘Babes, ang galing, ‘di ba? Super Ponds, super moisturize, maintain!’” natatawang sabi niya.

Ano naman ang nagiging reaksiyon ni Senator Chiz kapag may mga bagets na nagkakagusto sa kanya?

“Natutuwa siya para sa akin na, 'Di ba, at least, you won’t feel bad, even if you’re thirty, you will feel good about yourself.'

“Ganyan, supportive yun, super.”

Talaga namang parang ang saya-saya ni Heart ngayon.

Pagsang-ayon niya, “I am so happy, really, I am so happy.

"But I really have to work. Kailangan ko pa rin mag-shopping from time to time.

“If I’ll just be a housewife, mag-paint na lang, happy na ako, e.

“Pero mahal ko talaga ang ginagawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN