Jerald Napoles chooses acting career over his French girlfriend

Jerald Napoles to aspiring actors: "Mag-aaral ka ng acting. Kapag na-hands on mo na ang acting, mag-aaral ka ng advance acting, investment yun, e."


Kahit na loaded sa talento ang aktor na si Jerald Napoles, hindi naging madali para sa kanyang pasukin ang mainstream showbiz mula sa teatro at indie films.

Paniwala ni Jerald, na kilala sa tawag na Tolits, ang ilang ulit na restaging ng musical play na Rak of Aegis, na pinagbibidahan nila ni Aicelle Santos, ang naging daan para mapansin siya at mapasok niya ang mainstream.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Bunga ito ng Rak of Aegis, dahil yung Rak of Aegis mismo, groundbreaking na siya.

“For example, usually yung mga play ang nagge-guest sa TV for promotion, e.

“Pero yung ASAP, tinawagan yung Rak of Aegis to be part of the segment.

“May ganun na siyang segment, so automatic.

“Pati yung mga kasama naming ensemble sa play, may mga raket na sila sa TV.”

Nagkaroon siya ng cameo role sa sleeper hit na English Only, Please (2014) dahil napanood siya ng scriptwriter nitong si Antoinette Jadaone sa Rak of Aegis.

May ibang proyekto pa raw na nagpasukan dahil din sa musical play nila sa PETA.


HUNGRY FOR MORE. Saan niya gustong mas makilala, bilang aktor o singer?

Sagot ni Jerald, “Gusto kong makilala bilang aktor.

“Aktor na puwedeng nakakatawa, aktor na puwedeng kumanta, aktor na puwedeng sumayaw.

“Aktor na puwedeng maging actor na actor.”

May sarili rin siyang paniniwala para magkaroon ng staying power ang isang artista; hindi raw ito nakukuha sa pagiging magaling lamang.

Sabi ni Jerald, “No, an artist should train and continue to be hungry… actually, tiyaga at training.

“Mag-aaral ka ng acting, kapag na-hands on mo na ang acting na yun, mag-aaral ka ng advance acting.

"Investment yun, e.

“Yung mga tao, nag-i-invest sa bahay, e, di mag-i-invest ako rito para makabili ko ng bahay.”

May investment na ba siya?

“Cellphone!” natawang biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, nakabili ako ng kotse, nagdyi-jeep lang ako dati.”


AU REVOIR. Dahil magkasama sila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa Sunday PinaSaya, ang bagong Sunday show ng GMA Network, nagawang magpatawa ni Jerald tungkol sa asawa ng aktres na si Dingdong Dantes.

“Sabi ko nga kay Marian, 'Nanonood ka kay Dingdong, may Dingding dito! Tawa lang siya!”

May picture din sila ni Marian na lumabas sa social media at ilang beses nai-share.

Naisip ba niyang puwede silang pagtambalin ng Kapuso Primetime Queen, bilang pareho silang taga-Triple A management?

“Nanghinayang siya, nanghinayang siya!

“Actually, pinaglilihian niya ako ngayon, pero sabi ko, 'Huwag, huwag!” hirit niya tungkol sa buntis na aktres.

Ang totoo, nanggaling si Jerald mula sa isang live-in relationship sa French model girlfriend niya noon.

Sinubukan daw nila ang long-distance relationship, pero hindi nag-work.

Iniyakan daw niya nang mag-break sila.

“Live-in kami for two years.

“Ibig sabihin, para kayong mag-asawa.

"So, kung nag-break kayo, para kang nawalan ng asawa."

Bakit hindi niya sinundan ang girlfriend sa France?

“E, sayang naman ‘to,” pagtukoy niya sa kanyang showbiz career.

Kuwento pa ni Jerald, “Sinabi niya sa akin sa France, 'Kapag niyaya kita na doon na tumira, sasama ka ba?'

“Sabi ko, hindi. Unang-una, hindi ako marunong mag-French.

“Hindi naman nag-i-English ang mga tao dun, so ano ang trabaho ko dun? Janitor? Waiter?

"Ano ang trabaho ko dito?

“Sayang naman ang talent ko, may talent naman ako kahit paano, so sayang naman, ‘di ba?"

May komunikasyon pa rin naman daw sila ng French ex-girlfriend niya, pero hindi na niya nakikita ang posibilidad na magkakabalikan pa sila.


HAVE FUN WILL TRAVEL. Naniniwala naman si Jerald na malakas ang sex appeal niya sa mga bading.

Katuwiran niya, “E, kasi nga, lalaking-lalaki ang hitsura ko, maton na maitim.”

Wala pa ba siyang pinapatulan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, hindi naman ako bakla!” natawang sabi niya.

“At saka ang hanap ko seafood, pupunta pa aba ko sa hotdog?

“Pero ano, I have nothing against gays, marami akong kaibigan.

“At saka, funny is the new pogi!” natatawang hirit pa rin niya.


FUNEREAL. Dalawa ang magiging shows ni Jerald sa GMA—ang Sunday PinaSaya, na magsisimula sa August 9, at ang upcoming primetime series na My Faithful Husband, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Isang bading na make-up artist ng mga patay ang role ni Jerald dito.

Madalas daw nilang kaeksena ni Dennis dito si Nonie Buencamino.

Kaya naman kinumusta namin kay Jerald si Nonie, na kailan lang ay namatayan ng anak—ang 15-year-old na si Julia Buencamino.

Sabi ni Jerald, “Si Kuya Nonie ang may-ari ng funeraria [sa teleserye]...

"Okey naman siya.

“Sabi niya rin, ‘Matagal pa ‘to, matagal pa ‘to.’

“Pero nagdyu-joke na siya dahil natutulog kami sa funeraria, sa standby area.

“Sabi niya, 'Sarap ng tulog ko, parang nasanay ako sa funeraria, ah,' gumanun siya.

“Nakakapagtrabaho siya, okey naman, nakakabiruan.

“Pero kapag solo lang, e, funeraria ang setting namin, siyempre naiisip pa rin niya si Julia.”

Janitor naman daw si Dennis sa funeraria.

At biro ni Jerald, “Ako ang magiging leading lady ni Dennis, mag-aaway sila ni Jennylyn dahil sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN