Marian Rivera on 'beso' photo with Lovi Poe: “Okay na 'yon, let go na natin 'yon.”

“Okay na 'yon. Alam mo 'yon, matured na kami, may kanya-kanya na rin kaming buhay," says Marian Rivera about her longtime misunderstanding with fellow Kapuso actress Lovi Poe.


“Move on na tayo.”

Ito ang naging pahayag ni Marian Rivera tungkol sa lumabas na larawan nila ni Lovi Poe habang nagbi-beso sa isa't isa sa 15th anniversary party ng YES! Magazine noong Lunes, July 27.

Matapos ang press conference ng bagong show ni Marian sa GMA Network, ang Sunday PinaSaya, kagabi, July 30, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News ang Kapuso Primetime Queen tungkol dito.

Dito ay sinabi niyang okey na sila ni Lovi.

Sabi ni Marian, “Oo, parang tama na.

"Ang tagal-tagal na nun, mag-move on na tayo.

“Mas maganda na mas maging positibo tayo sa buhay, especially now na buntis ako.

“Sa dami ng iisipin ko dahil sa anak kong ito, parang walang dapat isipin.

“Okay na 'yon, let go na natin 'yon.”

Ibig din bang sabihin nito ay tapos na ang anumang isyu noon sa pagitan nilang dalawa?

Sagot ni Marian, “Okay na 'yon.

“Alam mo 'yon, matured na kami, may kanya-kanya na rin kaming buhay.

“Ako ngayon, priority ko ang asawa ko at saka yung anak ko.

“Mas maganda na mag-move on na at maging positive kami sa buhay.”

Matatandaang bago ito nangyari ay malapit na magkaibigan sina Marian at Lovi, na unang nagkasama sa dating sitcom ng GMA na Show Me Da Manny (2009-2011).

Ngunit nagkalamat ang pagkakaibigan nila nang magkaroon ng 'di pagkakaunawaan si Marian at ang kapwa nila Kapuso artist na si Heart Evangelista habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island noong 2011.

Lumalabas na pinanigan ni Lovi si Heart noong panahong iyon.

Read: Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

Dahil sa positibong sagot ni Marian tungkol sa kanila ni Lovi, tinanong ng PEP kung may posibilidad na maayos na rin ang isyu sa pagitan nila ni Heart.

Sagot niya, “Alam mo, sa totoo lang, sa buhay kong ito, lahat ng tao para sa akin, mas maganda na maging positibo na lang at mag-move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung mayroon akong prayoridad na pansinin ngayon, 'yon ang buhay na may asawa at pagkakaroon ko ng anak.”

Diretsahan namang tinanong ng GMA News si Marian kung handa na siyang makipag-reconcile kay Heart.

Nakangiting tugon ng Kapuso Primetime Queen, “Wala namang problema kasi sa akin, e. Ever since, wala kayong narinig sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN