Alden Richards settles issue with Julie Anne San Jose

Alden Richards on working with Julie Anne San Jose in Sunday PinaSaya: "Sino ba naman ako para hindi umokey sa sinumang makakasama? Ako naman po, matagal na po akong naka-let go sa past issue, naging okey naman po kami, naayos naming dalawa yun. So ngayon, we’re just excited to be together in a show."


Tinuldukan na nina Alden Richards at Julie Anne San Jose ang matagal nang isyu sa pagitan nila.

Magkasama ang dalawang Kapuso stars sa bagong Sunday comedy-variety game show na Sunday PinaSaya.

Bago ito ay aminado ang dalawa na hindi sila nag-uusap, pagkatapos nilang maugnay sa isa’t isa.

Pero hindi raw ito naging hadlang para hindi tanggapin ni Alden ang bagong show na ito ng GMA Network.

Pahayag niya, “Tapos na po kasi ako sa phase na yun.

“Sino ba naman ako para hindi umokey sa sinumang makakasama?

“Ako naman po, matagal na po akong naka-let go sa past issue, naging okey naman po kami, naayos naming dalawa yun.

“So ngayon, we’re just excited to be together in a show.

“Siyempre, makakasama ko po rito halos lahat bago.

“Si Julie lang po at si Barbie [Forteza] ang nakasama ko sa previous show, which is Sunday All Stars.

“Kaya we’ll see po... titingnan po namin kung magwu-work ba ang comedy sa noontime ng Sunday.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa grand launch ng Sunday PinaSaya, Huwebes ng gabi, July 30, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Bukod kina Julie Anne at Barbie, kasama rin ni Alden sa programa sina Ai-Ai delas Alas, Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, Valeen Montenegro, at Jerald Napoles.

CLEARING THE AIR. Ayon kay Alden, nakapag-usap na sila ni Julie Anne bago pa man ginanap ang presscon para sa Sunday PinaSaya.

Sa presscon kagabi, pinabigyang-linaw ng press kina Alden at Julie Anne kung may isyu pa ba sa kanila.

Pinagbeso-beso pa nga sila bilang katibayan na talagang okey na sila.

Ayon kay Alden, “Matagal na po kaming okey, like yun nga po, nagpu-prod kami sa Eat Bulaga, sa Sunday All Stars din po.

“Tapos na po yun, wala na pong isyu. Period.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang tanong nga ng marami ay kung ano nga ba ang pinag-ugatan ng hidwaan o tampuhan nila noon.

Totoo bang niligawan niya noon si Julie Anne, pero binasted o pinaasa lang siya nito?

“Wala naman pong ganun,” mabilis na tanggi ni Alden.

“Wala naman pong pinaasa, wala naman pong ligawan.

“Siguro po, naging iba lang ang relationship namin ni Julie Anne dati.

“Siyempre, medyo nagkaroon lang po ng misunderstanding, pero naayos din naman eventually.”

Pareho naman daw silang may magandang career kaya mas lalong wala nang isyu dapat.


ALDUB FAN. Sa presscon proper, inamin ni Julie Anne na kahit siya ay fan ng AlDub—ang loveteam ni Alden kay Yaya Dub (Maine Mendoza) ng Eat Bulaga.

Ano ang reaksiyon ni Alden nang sabihin ni Julie Anne na fan ito ng AlDub loveteam?

“Thankful,” nakangiting tugon ng Kapuso actor-TV host

“Before, naging loveteam din kami ni Julie. Nagkaroon din kami ng DenLou.

“Ganoon naman po dito sa showbiz, hindi permanent ang lahat, hindi permanent ang loveteam.

“Nakakatuwa na kahit ganoon, suportado pa rin.”

Mukhang nawiwili na si Alden sa hosting job niya sa Eat Bulaga! at may Sunday PinaSaya pa siya tuwing Linggo.

Hindi ba niya nami-miss gumawa ng teleserye?

Ayon sa 22-year-old actor, “Meron po, meron po this year.

“Iba naman po ang Eat Bulaga, iba rin naman po ang Sunday PinaSaya, siyempre iba rin po ang pag-arte.

“Ang pag-arte naman po kasi, sa puso ko po yun. Food for my soul po ang acting, e.

“Ito po, so far, nag-take lang po ako ng break dahil noong nag-start din naman po ako, sunud-sunod din naman po ang pasok ng soaps sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN