Julia Montes denies Coco Martin fences her in: "Nature na niya talaga yung maalaga siya... Hindi naman ako nagpapaligaw."

Julia Montes will essay a dual character in an upcoming Kapamilya teleserye Doble Kara, her most challenging yet as a TV star. She says, "Siguro yung maturity bilang actress nire-require dito. Ang dami kong dapat bantayan, ang dami kong dapat aralin, ang dami kong dapat tutukan sa bawat eksena."


Ipinagtanggol ni Julia Montes si Coco Martin sa usap-usapang kaya hindi makalapit at makapanligaw ang ibang lalaki na gustong pumorma sa kanya dahil guwardiyado at bantay-sarado raw sa kanya ang aktor.

“Hindi, hindi naman guwardiyado, hindi naman ganun.

“Siguro lang, every time na kasama ko si Coco, nature na niya talaga yung maalaga siya.

“Hindi lang naman sa akin, maalaga talaga siyang lalaki, kaya ayun.

“Hindi naman kasi ako nagpapaligaw, focus kasi ako sa work, dati pa, hindi lang naman ngayon."

Diin ni Julia, wala sa prayoridad niya ang pagkakaroon ng boyfriend.

“Ang dami kong priorities, ayokong pumasok sa sitwasyon na parang magugulo o hindi pa ako ready.

“Siguro dapat kaya kong i-handle both work, my family, kung magkakaroon ng special someone in time.

“Masaya ang buhay-buhay, pero wala pang nagpapasaya specifically.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Julia sa pictorial para sa 23rd anniversary ng Star Magic last week.


GOING SOLO. Ilang beses na ring nasulat na napag-iiwanan at nauungusan na raw si Julia ng kaibigan niyang si Kathryn Bernardo, kung ang pagbabasehan ay kasikatan at dami raw ng mga tagahanga.

Pero noon iyon.

Kung isa sa pinakasikat na tambalan ang KathNiel, si Julia naman ay gumagawa ng sariling pangalan at tatak bilang isang solong aktres.

Sabi niya, “Suwerte lang ako na nae-enjoy ko rin yung mga ibinibigay na projects sa akin na hindi expected ang gagawin ko.

"Challenging yung ibinibigay...

"Hindi rin ako nape-pressure na kailangan ko ng loveteam.

“At least, relax lang ako, hindi ako napi-pressure sa ganung idea."

DOBLE KARA. Sa ngayon nga ay abala si Julia sa taping ng teleseryeng pagbibidahan niya, ang Doble Kara.

Kuwento niya, “Nag-one day shoot na ako, exciting.

"Ang last na soap ko talaga is Ikaw Lamang and then nag-Wansapanataym.

“Siguro ang daming nire-require dito, and exciting lalo na yung isang character, kasi hindi ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Habang sinu-shoot ko yung mga scenes na kinunan last time, sobrang hiyang-hiya ako.

"Pero nakaka-exite, kasi bago, bagong ako... never pa akong nag-role ng ganito."

Pero aminado rin ang young actress na nandun ang kaba at pressure sa kanya, lalo’t siya talaga ang bida at magdadala ng show.

Aniya, “Everytime naman na nabibigyan ako ng trabaho, may pressure siyempre.

"Mapagkatiwalaan ka sa role, lalo na ito na parang Doble Kara nga, ang hirap-hirap.

“Siguro focus lang talaga, nagpu-focus ako para kahit papaano mag-give back ko sa kanila yung trust na ibinigay nila sa akin.”

Kapansin-pansin na na-maintain ni Julia ang slim na figure niya. Makikita ba ang kanyang kaseksihan sa Doble Kara?

“Hindi ko alam kung paano makikita, pero I think I can say sexy yung mga personality nung characters,” sagot niya.

Sabi naman niya tungkol sa kanyang diet, “Malakas akong kumain.

“Dati kasi, since Goin' Bulilit, pag nagda-diet ako, kailangan maging slim.

“Siguro ngayon, hindi ako nape-pressure, ini-enjoy ko lang kung ano ang kinakain ko.

“And then, yung tiyan ko, hindi rin nape-pressure na, 'Naku, kailangan kong mag-burn.’

“Siguro may times lang na kailangan kong i-balance.

"Pag sumobra ako ng isang araw, kailangan kong magbawas ng kanin the next day… parang on and off, on and off."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN