Teresa Loyzaga thankful for bonding moment with Sunshine Cruz

Teresa Loyzaga makes no qualms about being seen often in the company of her son Diego: "I’m his mom and I will always be there for him and for my other son Joseph. There’s nothing wrong with that, I’m sure all moms would love to be able to do this."


Marami ang nagulat at natuwa sa lumabas na larawan nina Teresa Loyzaga at Sunshine Cruz sa social media na magkasama at masayang gumigimik.

Lalo raw itong ikinasaya ni Teresa dahil noon pa man ay naniniwala siyang magkakabati nila ni Sushine, pero hindi niya inasahang mangyayari ito noong araw na yun.

Matatandaang nagkaroon ng malaking isyu noon sa pagitan ng dalawang aktres dahil sa pareho nilang pagkakaugnay sa actor-director na si Cesar Montano.

Naunang nakarelasyon ni Teresa si Cesar at nagkaroon sila ng isang anak, ang young actor na si Diego Loyzaga.

Pagkatapos nito ay pinakasalan ni Cesar si Sunshine, kung saan mayroon siyang tatlong anak na babae.

Pahayag ni Teresa tungkol sa pagbabati nila ni Sunshine, “Isn’t it wonderful? God works in mysterious ways.

“I expected that one day it’s bound to happen, I didn’t realize that day was going to be that day.

"Let’s be thankful it happened, it’s wonderful.”

Naging tulay raw sa kanilang pagbabati ang common friend nilang si Toni Co.

Nagpahayag din ng kasiyahan si Sushine sa pagkakaayos nila ni Teresa, kung saan ayon nga sa aktres ay maaaring simula na ito ng tunay na pagkakaibigan nilang dalawa.

Read: Sunshine Cruz finally settles issue with Cesar Montano's ex-girlfriend Teresa Loyzaga

Sa parte naman ni Teresa, tinuldukan na rin niya kung anuman ang naging isyu nila ni Sunshine na pinalaki ng kung anu-anong naririnig nila mula sa ibang mga tao.

Sabi niya, “Di ba, whatever you hear from other people, what she hears and what I hear from other people...

"Mabuting kami na lang, and that was really good.

“I also was not here, e. So, physically, there was a distance and because of that, maraming...

"Anyway, tapos na."

Pareho raw silang umaasang masundan pa ang naunang paglabas ng kanilang grupo.

“Actually, we’re really trying to schedule, e, the thing is aalis na ako next week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But definitely, siguro pagbalik ko, ready, get set, go!” bulalas ni Teresa.


CALL HER STAGE MOM. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teresa sa pictorial para sa 23rd anniversary ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Sinamahan niya ang anak na si Diego Loyzaga, na talent ng Star Magic.

Hindi ba siya nababahala na baka mabansagan siyang stage mother dahil madalas nakikitang kasama siya ng anak sa mga lakad nito?

Sagot ni Teresa, “Call me anything, I’m his mom and I will always be there for him and for my other son Joseph.

“There’s nothing wrong with that. I’m sure all moms would love to be able to do this.

"Yung makasama mo ang anak mo all the time... ako nga, not all the time ‘cause I always have work.”

Sa maganda namang itinatakbo ng career ni Diego, labis ang pasasalamat ni Teresa sa mga sumusuporta dito.

“Of course, I’m very happy and I’m very proud.

"Sa lahat ng sumusuporta at tumutulong, ABS-CBN, thank you very much."

Si Teresa naman ay bahagi ng Kapamilya drama series na Pasion de Amor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN