Benjamin Alves admits being attracted to Glaiza de Castro

Benjamin Alves amazaed by Glaiza de Castro's transformation in The Rich Man's Daughter: “Iba ang hitsura ni Glaiza. Man, she’s really pretty! Sabi ko nga kay Glaiza, 'Bakit parang iba ang hitsura mo sa The Rich Man kesa sa Dading?' ‘Di ba, sa Dading, very conservative?”


Naiintriga ngayon ang pagiging malapit na magkaibigan nina Benjamin Alves at Glaiza de Castro.

Madalas makita sa social media ang larawan nilang magkasama at pagpapalitan ng comments.

Kahit hindi kasama si Benjamin sa cast ng The Rich Man’s Daughter, kung saan kabilang si Glaiza, nababalita ang pagbisita ng aktor sa taping nito.

Nanliligaw ba si Benjamin kay Glaiza?

Sagot ng Kapuso hunk, “Our relationship, friendship started in Dading and now that she’s doing The Rich Man’s Daughter, bumabalik yung…

“I used to always tweet Glaiza, Chynna Ortaleza, Gabby Eigenmann... naglolokohan.

“But now that she [Glaiza] has a strong following, kapag nakikita nila yun, may dagdag na wala naman dati.

“Wala naman silang nakikitang iba.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa press conference ng upcoming Kapuso primetime series na Beautiful Strangers, noong July 28, sa Studio 6 ng GMA Network.


WAITING. Lesbian ang role na ginagampanan ni Glaiza sa The Rich Man’s Daughter, pero palagi itong nakaayos at maganda pa rin.

Bigla bang na-appreciate ni Benjamin ang beauty ni Glaiza?

“Basta, sexy siya sa The Rich Man...” sambit ng aktor.

Attracted ba siya kay Glaiza?

“I’ve always been attracted but, you know, hintayin na muna nating matapos yung Rich Man.

“Baka magalit sa akin yung mga…” natawa niyang sabi.

Kapag nagtapos na ang The Rich Man’s Daughter, posible na niyang ligawan ang aktres?

“I don’t know... sabi sa akin ng mga friends ko, magkamukha kami.

“Kaya sabi ko, ‘E, di kung magkamukha kami, magkapatid kami?’

“Hindi naman daw necessary, pero who knows... after the show.

“At saka sana lang, bisitahin nila ako sa set, kasi palagi ko silang binibisita,” sabi pa niya.

Natatawa lang naman daw si Glaiza na nali-link sila.

Seryosohin kaya siya ni Glaiza kung sakaling ligawan niya ito?

“Seryosong tao naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bahala na, huwag na muna nating pag-usapan yun.

“Baka naman may ibang nanliligaw kay Glaiza,” nakangiting sabi ni Benjamin.

Pero aminado si Benjamin na iba talaga ang “dating” ni Glaiza ngayon.

“Iba ang hitsura ni Glaiza. Man, she’s really pretty!

“Sabi ko nga kay Glaiza, 'Bakit parang iba ang hitsura mo sa The Rich Man kesa sa Dading?'

“‘Di ba, sa Dading, very conservative?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN